MAYNILA – NAG-ISYU ang Bureau of Immigration (BI) ng bagong patakaran at palakad sa paglalabas ng special works permit (SWP) at provisional works permit (PWP) sa lahat ng dayuhan na magtatrabaho sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, aatasan ang mga dayuhang aplikante na magsumite ng mga karagdagang dokumento bago sila maisyu-han ng bagong permits.
Dagdag pa ni Morente na hindi sila mag-iisyu ng work permits sa mga dayuhan sa mga trabahong tulad ng construction workers, cashiers, janitors, carpenters at iba pang blue collar jobs gayundin ang mga trabahong nasa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC) hanggat walang pahin-tulot ang mga ito.
“This is to ensure that these work permits are issued only to aliens whose jobs could not be performed by Filipinos,” ayon sa BI Chief.
Ang pag-iisyu ng panibagong patakaran ay bunsod sa umanoy bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa bansa na nakasisira sa mga Pinoy na manggagawa.
“These new rules are meant to protect the interest of local workers, as we have observed that in the past, foreigners may abuse their permits and take away jobs from our kababayans,” paliwanag ni Morente
Kabilang sa mga requirement na isusumite ay validity of stay as tourists; address, existence, nature of business, at financial viability of petitioning company; SEC at mga governnent licenses to operate. PAUL ROLDAN/FROILAN MORALLOS
Comments are closed.