BIANCA GONZALEZ NANAWAGAN SA PANIC BUYERS

NAKIUSAP  at  nanawagan si Bianca Gonzales sa  netizen  na  huwag  mataranta  athotshots  ubusin ang lahat  ng mga paninda sa loob ng grocery at supermarket. Nag-post  ng  mensahe  si  Bianca tungkol  sa nangyayaring panic  buying  ngayon  dahil  sa  pagrami ng may CO­VID-19 sa bansa.

Sa  mensahe ni Bianca  ay nakikiusap siya sa mga nagpa-panic buying  na huwag  naman daw  mag-ipon  o  magtago ng mga goods  dahil  kawawa  ang mga mahihirap  na  nakakabili  lang  ng  pagkain kapag duma­ting na ang kanilang  sahod o suweldo sa trabaho.

Wala na raw matitira pa sa mga mahihirap kapag inubos na ng mga  mayayaman  o  ng mga may pera ang mga bilihin sa grocery o supermarket.

Ayon  sa  kanyang  comment  sa sariling post ay mistulang naging biktima ng panic buying si Bianca dahil  hindi niya nabili ang mga dapat niyang  bibilhin  para  sa kanyang  bahay  dahil  ubos  na ang mga ito sa shelves  ng  pinuntahang  supermarket.

Pagpunta ni Bianca sa grocery para  mamili  ng mga kailangan ay laking gulat  niya  nang  wala  na  siyang  mabili  o makuhang  item.

Nabuwisit at ngitngit naman ang nadama ng komedyanteng  si Kakai  Bautista  sa  naging  comment  ni Bianca kaya  nag-comment din ito  na  “sakim”  ang mga taong  inuubos  ang lahat  ng mga item sa isang  grocery  o  supermarket.

Samantala,  panawagan naman ng iba  na huwag mag-panic buying  dahil mas  lalala  lang daw ang mga mangyayari  kapag  wala nang  mabili ang mga kababayan  natin  na  makakain.

HEART EVANGELISTA MAY PARAAN PARA MAGPAKA-FASHIONISTA 

KAHIT  hindi na muna  naglalabas  si Heart Evangelista dahil  sa glo­bal  scare na CO­VID-19 ay may paraan  pa rin ang fashionista sweetheart na actress  para mapasaya ang kanyang mga follower.

Sa  Instagram post ni Heart, kahit  nasa  bathtub lang siya ay kahit  walang  tubig  ay nagawan pa rin niyang umagaw ng attention dahil  muli  siyang nag-topless.

Kaya  naman  napa­nganga  naman ang mga  barakong  follower niya  sa  Instagram.

Fashion pa rin ang porma kahit  sexy dahil  naroroon pa rin ang pagiging  elegante kahit nagpapa-sexy.

“Summer  and quarantined,  but  make  it  fashion,” sabi nga ng kanyang mga fan.

Samantala,  marami pa rin ang umaasa at nagtatanong kung kailan  naman daw darating ang matagal  nang dinadalangin  ng kanyang mga  fan  na magka-baby na rin sila ni Sorsogon Governor Chiz Escudero?

ROBIN PADILLA PASALAMAT KAY MARIEL SA PARAAN NG PAGPAPALAKI KAY ISABELLA

NAGPASALAMAT  si Robin Padilla  sa kanyang  asawa  na si Mariel Rodriquez-Padilla  dahil  sa ginagawa nitong  pa­raan  ng  pagpapalaki  sa kanilang  panganay  na si Isabella.

Ipinost  ni Robin ang  video ni Isabella  at  ng kanyang  magulang na  si  Mommy  Eva Carino  na naka-wheelchair  na kung saan makikita  lumapit  si Mommy  Eva  sa kanyang  apo  at  inabot  ang kamay. Kinuha naman  ng bata  ang kamay  ng  kanyang  lola at saka nagmano.

Dahil  doon ay nagpasalamat si Robin sa asawa dahil sa pagtuturo sa kanilang anak ng  kulturang  tradisyon ng  mga Filipino. At kasabay na rin ng pagbati niya sa wife para sa International  Women`s Day.

Well, mangilan-ngilan na lang  sa mga kabataan ngayon ang makagawian ang  magmano  sa mga magulang at grandparent.

Comments are closed.