BIANCA UMALI KIBIT-BALIKAT NA LANG SA RELASYON NILA NI RURU MADRID

bianca umali

HAPING-hapi si Kapuso young actress na si Bianca Umali sa kinalabasan ng wallfacepagsisimula ng kanyang bagong te­leserye sa GMA-7, ang “Sahaya.”

Nag-trending agad ito at naging usap-usapan, maging sa rating ay hindi nagpatalbog sa katapat na show kahit pa matagal nang umeere ang naturang soap sa kalabang istasyon. At dahilan sa sila ni Miguel Tanfelix ang magkapareha sa “Sahaya”, marami ngayon sa followers ng loveteam nila na umaasang muling magkakabalikan sa isa’t isa ang dalawa.

Nauugnay kasi sa ngayon si Bianca sa Kapuso young hunk actor na si Ruru Madrid. At dahil sa magkahiwalay sina Ruru at Bianca ng soap, “tahimik” muna raw ang dalawa sa kanilang relasyon?

Sa panayam kay Bianca, hindi raw niya ngayon prayoridad ang lovelife, tutok daw si Bianca sa kanyang “Sahaya” lalo pa nga’t bago pa lang ito umeere. Kahit pa ang mga tsismis daw sa kanilang dalawa ni Ruru ay ‘di na lang pinapansin ni Bianca. Samantala, say naman ng young actress sa tunay na relasyon nila ngayon ng ka-loveteam na si Miguel Tanfelix, paano raw mangyayari ang balikan kung hindi naman daw naging sila. Mag-best friends lang daw sila ni Miguel since na nagsimula silang maging magka-loveteam. Kompor­table sila sa isa’t isa. At para kay Bianca, ayaw niyang bigyan ng level kung anuman ang relasyon nila ngayon ni Miguel, ang mahalaga raw ay close sila sa isa’t isa at nagkakaintindihan na sila sa tinginan pa lang.

SANYA LOPEZ PAYAG MAGING CHAPERONE NINA JAK AT BARBIE

MISMONG si Sanya Lopez ang nangulit sa kanyang kuyang si Jak Roberto na Sanya Lopezsumama sa kapatid sa bi­nabalak na trip nito sa bansang Japan. Nabalitaan kasi ni Sanya na ngayong summer ay nagplano ng bakasyon ang kapatid at ang kanyang nobyang si Barbie Forteza. At dahil gustong-gusto ni Sanya na makarating sa Japan ay siya mismo ang nag-alok sa sarili na sumama.

Sa tsikang lakad ng magnobyo iyon, hindi naman kaya na ma-out of place si Sanya sa lambi­ngan nina Jak at Barbie, at maging third wheel siya sa relasyon ng dalawa? Say ni Sanya, okey lang daw sa kanya na maging third wheel at never daw siyang ma-out of place sa sweetness ng dalawa. Masaya siya kung nakikitang masaya ang kanyang kuya Jak.

Pagdating naman sa showbiz career, handang-handa na si Sanya sa pagbabalik-teleserye niya pagkatapos ng “Haplos” niya noon with Thea Tolentino. Balik-tambalan sila muli ni Rocco Nacino, sa “Blood Money”. Huling nagsama ang dalawa bilang magka-loveteam ay sa teleser­yeng “Encantadia” at dito nga ay natsika pang nagkaroon daw ng relasyon ang dalawa pero hindi nagtagal.

Comments are closed.