ISINALPAK ni Collin Sexton ang game-tying 3-pointer, may 1.2 segundo ang nalalabi sa unang overtime, at naitala ang 15 sa kanyang career-high 42 points sa ikalawang overtime upang pangunahan ang host Cleveland Cavaliers sa 147-135 panalo laban sa Brooklyn Nets noong Miyerkoles ng gabi.
Binigyan ni Sexton ang Cleveland ng kalamangan sa 128-127 sa isang free throw sa kaagahan ng ikalawang overtime. Sinundan pa niya ito ng mga puntos na nagbigay sa Cavaliers ng magaan na panalo.
Ang ikalawang 3-pointer ni Sexton sa final overtime ay naglagay sa talaan sa 134-127, may tatlong minuto ang nalalabi, at pinalobo ng kanyang huling tres ang bentahe sa 142-131, may 89 segundo sa orasan.
Nahigitan ni Sexton ang kanyang naunang career high na 41 naitala noong March 4, 2020, laban sa Boston sa pagkamada ng 31 points matapos ang halftime. Bumuslo siya ng 16 of 29 mula sa field sa kabuuan makaraang lumiban sa unang limang laro dahil sa ankle injury.
Salamat sa efforts ni Sexton at nalusutan ng Cleveland ang big nights sa debut ng star trio ng Brooklyn na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden, na naglaro sa final 18-plus minutes.
Nanguna si Durant para sa Nets na may 38 points subalit nagmintis sa potential game-winning shot sa buzzer sa unang overtime makaraang masayang ng Brooklyn ang five-point lead sa huling 1:53. Kumalawit din siya ng 12 rebounds at nag-bigay ng walong assists.
Nagdagdag si Irving ng 37 points sa kanyang unang laro mula sa two-week absence dahil sa personal reasons, gayundin sa health at safety protocols.
Naiposte ni Harden ang kanyang ikalawang triple-double sa tatlong laro bilang isang Net na may 21 points, 12 assists at 10 rebounds.
Ang tatlo ay pawang naglaro ng mahigit sa 48 minuto at nakalikom ng pinagsamang 28 points sa fourth quarter nang burahin ng Nets ang 13-point deficit.
WARRIORS 121, SPURS 99
Ginamit ni rookie James Wiseman ang pitong dunks bilang pundasyon sa season-best 20 points at nagdagdag si Stephen Curry ng game-high 26 nang gapiin ng Golden State Warriors ang bisitang San Antonio Spurs.
Sumandal sa momentum ng panalo sa Los Angeles kontra defending champion Lakers noong Lunes, ang Warriors ay umabante ng hanggang 22 points sa first half bago pinutol ang three-game losing streak kontra Spurs.
Tumipa si Dejounte Murray ng 22 points para pangunahan ang San Antonio, na tinapos ang two-game trip na nagsimula sa panalo sa Portland.
CLIPPERS 115, KINGS 96
Nagsalansan si Kawhi Leonard ng 32 points, 6 steals at 5 assists nang maitala ng Los Angeles Clippers ang ika-5 sunod na panalo kontra bisitang Sacramento Kings.
Nag-ambag si Paul George ng 19 points, 12 assists at 7 rebounds habang nagdagdag sina Nicolas Batum at Ivica Zubac ng tig- 11 points para sa Los Angeles. Humugot si Zubac ng game-high 12 rebounds.
Umiskor si De’Aaron Fox ng 25 points sa 10-of-18 shooting at nagdagdag ng pitong assists para sa Kings, na natalo ng apat na sunod. Gumawa si Glenn Robinson III ng 14 points, tumipa si Buddy Hield ng 13 points at nag-ambag siTyrese Hal-iburton ng 11.
Sa iba pang laro ay dinaig ng Phoenix Suns ang Houston Rockets, 109-103; ibinasura ng
Dallas Mavericks ang Indiana Pacers, 124-112; hiniya ng Miami Heat ang Toronto Raptors, 111-102; at pinadapa ng Philadelphia 76ers ang Boston Celtics, 117-109.
Comments are closed.