MALAKIHANG pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong araw.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kanilang gasolina ay tataas ng P1.05 kada litro, diesel ng P1.55 kada litro, at kerosene ng P1.30 kada litro.
Ang Petro Gazz at Phoenix Petroleum Philippines Inc. ay magpapatupad ng kaparehong price adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.
Epektibo ang adjustments sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na itataas ang presyo ng kanilang gasolina ng P1.05 kada litro at diesel ng P1.50 kada litro, alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Comments are closed.