MAHIGPIT na binabantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga kaganapan sa military conflict sa Middle East para sa posibleng epekto nito sa inflation sa bansa.
Sa isang briefing, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona na ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group Hamas ay maaaring magkaroon ng “spillover effects sa global growth.”
Gayunman, sinabi ni Remolona na ang umiigting na tensiyon sa rehiyon ay wala pang epekto sa presyo ng langis, gayundin sa halaga ng piso kontra dolyar.
“So far so good, but we’re watching developments. It’s a global phenomenon. It’s not specific to us,” aniya.
Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) noong Martes na maliit lamang ang magiging epekto ng giyera sa local food production.
“The Israel government has been a long-time partner of the DA in various initiatives, particularly in water management and fertilization, and so we hope for the immediate resolve of the conflict in the Middle East,” wika ni DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa.
Sinabi ni De Mesa na nakikipagtulungan din ang national government sa Israel para sa training, monitoring, at evaluation upang mapalakas ang agricultural productivity.