ILOCOS SUR – LABIS na nalulungkot ang mga magulang ng 17-anyos na binatilyo nang magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbigti sa kaniyang kuwarto sa Brgy. Pungol, Vigan City.
Ayon sa ina ng biktima, wala silang alam na problema ng kanilang anak at hindi rin nila ito kinakitaan ng depresyon.
Hindi anila maisip kung ano ang sanhi para magpakamatay ang kanilang anak.
Maging ang mga kaibigan nito at iba pa ay tinanong na rin kung may alam sa pagdaramdam ng binatilyo subalit walang masabi.
Tiniyak naman ng awtoridad na patuloy ang kanilang pagsisiyasat hinggil sa pagpapakamatay ng biktima. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.