BIRTHDAY WISH NI DIGONG: PEACE AND PROSPERITY

digong

KAPAYAPAAN  at kaunlaran, ‘yan ang  birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-74 na kaarawan matapos kantahan ng kanyang staff at regaluhan ng cake sa isang restaurant sa Davao City.

Ayon sa Pangulo, napakagulo ngayon at maraming problemang kinakaharap ang mundo kaya hangad niya ay hindi sana madamay ang bansa sa kaguluhan.

Hangad din ng pangulo ang kaayusan ng bayan.

“It’s a very topsy world. My wish is that we will just continue to progress and prosper. Hindi tayo kasali diyan (sic) sa mga gulo-gulo sa ibang bayan. I wish you all happiness,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

Pagkatapos ng selebrasyon ay  sinabi ng Pangulo na gusto niyang  manatili lamang sa bahay at matulog.

Nangako ito sa kanyang mga staff na iti-treat sila sa susunod na linggo.

Comments are closed.