NEGROS ORIENTAL – NASABAT ng awtoridad ang pagbiyahe ng P7 million na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Sibulan Port sa lalawigang ito.
Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Negros Oriental, local police at Philippine Coast Guard (PCG) ang mga suspek na sina Tim Bernardo Las Piñas, 25, na isang high value target (HVT); at Lesa Taganile, 23, mga residente ng Bantayan, Dumaguete.
Kasama rin sa nahuli sina Ellery Jude Alabanzas, 23, ng Canlaon City; at Kathleen Caryl Tulabing, 23, ng Buloc-buloc, Sibulan.
Sa panayam kay Lt. Commander Ludovico Librilla, commander ng PCG-Negros Oriental, sinabi nitong nakipag-coordinate sa kanila ang operating team upang sundan ang galaw ng mga suspek na sakay ng Ro-Ro vessel galing sa Santander, Cebu at patungo sa Sibulan.
Pagdaong ng barko sa pantalan dakong alas-2:00 ng hapon kaagad na inusisa ang dalang pribadong sasakyan na dala ng apat at dito narekober ang halos isang kilong pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.