TUMABO si Giannis Antetokounmpo ng 24 points, 19 rebounds at career-high 15 assists nang igupo ng host Milwaukee Bucks ang Port-land Trail Blazers, 137-129, noong Huwebes.
Ang triple-double ay ikalawa sa season ni Antetokounmpo, na nakakolekta ng 30 points, 13 rebounds at 11 assists sa 117-111 panalo ng Milwaukee sa Houston noong Oct. 24.
Tumipa si Eric Bledsoe ng 30 points at nagdagdag si Pat Connaughton ng season-high 18 upang tulungan ang Bucks na maitarak ang kanilang season-high sixth straight win at ika-10 sa 11 asignatura. Ang point total ay season best para sa Milwaukee.
Tampok sa 37-point performance ni CJ McCollum ang limang 3-pointers, at nag-ambag si Skal Labissiere ng 22 points, 12 rebounds at 5 blocks pa-ra sa Trail Blazers, na naglaro na wala si four-time All-Star Damian Lillard (back) sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Naiposte ni Carmelo Anthony ang 10 sa kanyang 18 points sa first half habang sumalang sa kanyang ikalawang laro sa Portland makaraan ang isang taong pagliban sa NBA.
PELICANS 124, SUNS 121
Naitala ni Brandon Ingram ang 15 sa kanyang 28 points sa fourth quarter at tumipa si JJ Redick ng 26 points upang pangunahan ang New Orleans sa ikatlong sunod na panalo.
Nagbuhos si Jrue Holiday ng 23 points at 9 assists para sa Pelicans, at nagdagdag si E’Twaun Moore ng season-high 19 points.
Nanguna si Kelly Oubre, Jr. para sa Phoenix na may 25 points sa ikatlong sunod na pagkatalo nito. Gumawa si Devin Booker ng 19 para sa kulang sa taong Suns, na naglaro na wala sina starting center Aron Baynes at starting point guard Ricky Rubio.
Comments are closed.