SA PANGUNGUNA ng maiinit na kamay ni talented swingman Paul George, dinurog ng Los Angeles Clippers ang bisitang Portland Trail Blazers, 133-116, noong Martes sa Staples Center.
Naitala ni George ang 24 sa kanyang game-high 36 points sa first half, kung saan umabante ang Clippers ng hanggang 26 points sa opening half.
“I just felt good,” wika ni George, na may iniinda sa kanyang paa. “My foot felt good today. I felt explosive. I just came out trying to attack, come out score and finish.”
Umangat ang Los Angeles sa 4-2 sa nine-game homestand ng koponan. Sinimulan ng Clippers ang laro sa pag-buslo ng unang siyam na tira. Nakatulong din sa L.A. ang pagbabalik ni point guard Patrick Beverley sa starting lineup. Si Beverley ay hindi naglaro magmula noong March 11 dahil sa pamamaga ng kanang tuhod.
Tumapos si Beverley na may 8 points, 4 rebounds, 3 assists at 1 steal sa 20 minutong paglalaro.
Nagpamalas si Kawhi Leonard ng solid, all-around game at kumamada ng 29 points, 12 rebounds at 7 assists. Nagdagdag si Reggie Jackson ng 23 points mula sa bench.
WARRIORS 121,
BUCKS 120
Nagbuhos si Stephen Curry ng 41 points, kabilang ang 30 sa second half, upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 121-120 pag-ungos sa Milwaukee Bucks sa San Francisco.
Tumipa si Kelly Oubre Jr. ng 19 points at nagdagdag si Kent Bazemore ng 18 para sa Warriors na pinutol ang three-game losing streak sa opener ng stretch ng four home games.
Binigyan ni Oubre ang Warriors ng kalamangan sa dalawang free throws, may 7.7 segundo ang nalalabi.
Ang Golden State ay natalo ng pito sa huling walong laro at nakakapit sa No. 10 spot sa Western Conference, ang last spot para makapasok sa play-in tournament para sa postseason.
Umiskor si Jrue Holiday ng 29 points at nag-ambag si Khris Middleton ng 28 para sa Milwaukee na naputol ang three-game winning streak.
Naglaro ang Bucks na wala si leading scorer at rebounder Giannis Antetokounmpo sa ikalawang sunod na game dahil sa pamamaga ng kaliwang tuhod.
GRIZZLIES 124,
HEAT 112
Pinutol ng Memphis Grizzlies ang isa pang winning streak ng Miami Heat sa pangunguna ni Dillon Brooks na may season-high 28 points at anim ang umiskor ng double-figures sa 124-112 panalo sa American Airlines Arena sa Miami.
Naputol ang five-game winning streak ng Heat sa Memphis noong nakaraang buwan at sumalang kahapon na may apat na sunod na panalo.
Sa naturang laro ay nakakuha ang Grizzlies ng late basket mula kay Ja Morant at nanalo ng apat na puntos.
Sa pagkakataong ito ay lumamang ang Grizzlies sa Heat ng maramlng beses at umalagwa sa fourth.
Sa iba pang laro, kumamada si Nikola Jokic ng 27 points sa 13-of-16 shooting mula sa floor at nagbigay ng 11 assists upang pangunahan ang Denver Nuggets sa 134-119 panalo kontra bisitang Detroit Pistons.
Ginapi ng Los Angeles Lakers ang Toronto Raptors, 110-101; namayani ang Atlanta Hawks kontra New Orleans Pelicans, 123-107; pinulbos ng Chicago Bulls ang Indiana Pacers, 113-97; at nadominahan ng Denver Nuggets ang Detroit Pistons, 134-119.
874827 98306so considerably wonderful data on here, : D. 830895
937999 123467Quite clean internet site , thanks for this post. 985689
508370 274625I recognize there is a great deal of spam on this web site. Do you need aid cleaning them up? I could help in between courses! 184575