PINANGUNAHAN ni Coby White ang pitong players na nagtala ng double figures na may 21 points nang gulantangin ng bisitang Chicago Bulls, naglaro na may siyam na players lamang, ang Portland Trail Blazers, 111-108, noong Martes ng gabi para putulin ang seven-game losing streak sa rivalry.
Binasag ni Wendell Carter Jr. ang late tie sa pamamagitan ng dalawang free throws, naipasok ni Otto Porter Jr. ang isang midrange jumper at kumonekta si White sa loob ng arc sa six-point run ng Bulls na nagbigay sa kanila ng 106-100 kalamangan, may 2:08 sa orasan, at hindi na lumingon pa upang maitala ang kanilang unang panalo kontra Trail Blazers magmula noong Nov. 15, 2016.
Tumapos sina Garrett Temple at Patrick Williams na may tig-14 points, nagdagdag si Carter ng 13 at umiskor si Thaddeus Young ng 10 para sa Bulls, na nagwagi sa ika-4 na pagkakataon sa kanilang huling limang asignatura sa opener ng our-game Western swing.
Kinumpleto nina Porter (game-high 13 rebounds) at White (10 boards) ang double-doubles para sa Bulls.
Nagbida si CJ McCollum para sa Trail Blazers na may 26 points at kumamada si Damian Lillard ng 24.
Nag-ambag si Jusuf Nurkic ng 12-point, 11-rebound double-double, habang nakalikom sina Robert Covington ng 14 points, Gary Trent Jr. ng 13 at Anthony ng 12.
SPURS 116,
CLIPPERS 113
Umiskor si Patty Mills ng 27 points mula sa bench, at pinutol ng San Antonio Spurs ang four-game losing streak sa pamamagitan ng 116-113 panalo kontra host Los Angeles Clippers.
Nagsalpak si Mills ng 8-of-12 3-pointers para sa Spurs. Nagdagdag si Dejounte Murray ng 21 points at gumawa si LaMarcus Aldridge, na bumalik mula sa three-game absence dahil sa knee injury, ng 14 points at 6 rebounds para sa San Antonio. Nagtala sina Rudy Gay ng 16 points at Devin Vassell ng 12.
Nagposte si Kawhi Leonard ng 30 points at 10 assists para sa Clippers, na naglaro na wala si Paul George (ankle). Nag-ambag si Nicolas Batum ng 21 points at umiskor si Patrick Beverley ng 20 points, kabilang ang anim na 3-pointers.
NUGGETS 123,
TIMBERWOLVES 116
Tumirada si Nikola Jokic ng season-high 35 points at kumalawit ng 15 rebounds, tumipa si Will Barton ng 20 points, at ginapi ng host Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves.
Umiskor si JaMychal Green ng 17 mula sa bench, nagbuhos si Jamal Murray ng 15, Facundo at nagdagdag sina Facundo Campazzo ng 11 at Gary Harris at Paul Millsap ng tig-10 upang tulungan ang Nuggets na gapiin ang Minnesota sa ika-10 sunod na pagkakataon.
Tumabo si D’Angelo Russell ng 33 points at 11 assists, naitala ni Juancho Hernangomez ang 21 sa kanyang 25 points sa first half at nagdagdag sina Malik Beasley at Anthony Edwards ng tig-15 para sa Timberwolves.
LAKERS 94,
GRIZZLIES 92
Kumana sina Anthony Davis at LeBron James ng tig-26 points upang pangunahan ang bisitang Los Angeles Lakers sa panalo Memphis Grizzlies.
Nagtala rin si James ng 11 rebounds at 7 assists, habang humugot si Davis ng 10 rebounds at nakasupalpal ng tatlong tira para sa Lakers, na nanalo ng apat na sunod.
Nakakolekta si Jonas Valanciunas ng 13 points at 11 rebounds, at umiskor sina Gorgui Dieng at Dillon Brooks ng tig-13 points para sa Memphis.
NETS 130,
JAZZ 96
Kumamada si Kyrie Irving ng 29 points sa tatlong quarters na naging tuntungan ng Brooklyn Nets para kumarera sa wire-to-wire 130-96 victory laban sa Utah Jazz.
Naglaro ang Nets na wala si Kevin Durant, na mawawala ng isang linggo dahil sa COVID-19 health at safety protocols.
Nagdagdag si reserve Caris LeVert ng 24 para sa Nets, na umabante ng hanggang 26 sa first half at hanggang 34 sa fourth quarter.
Comments are closed.