Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
8 a.m.- JRU vs LPU (jrs)
10 a.m.- MU vs SBU (jrs)
12 nn.- JRU vs LPU (srs)
2 p.m.- MU vs SBU (srs)
4 p.m.- EAC vs SSCR (srs)
6 p.m.- EAC vs SSCR (jrs)
NALUSUTAN ng College of St. Benilde ang pananalasa ni Nigerian Prince Eze ng Perpetual Help upang maitakas ang 91-87 panalo at manatili sa ikatlong puwesto sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nanguna si Yankie Haruna para sa Blazers na may 19 points, kabilang ang go-ahead basket, may 55 segundo ang nalalabi, na nagselyo sa kanilang ika-7 panalo laban sa tatlong talo. Ang CSB ay nasa likuran ng Lyceum of the Philippines University Pirates (10-0) at San Beda Lions (9-1).
Naisalpak ni Justin Gutang ang isang krusyal na triple habang naipasok ni Unique Naboa ang apat na key foul shots sa stretch upang tulungan ang Blazers na maapula ang mainit na pa-ghahabol ng Altas.
Nagpasabog si 6’9 Eze ng career-best 36 points, kabilang ang isang three-point play mula sa foul ni Haruna, na nagbigay sa Altas ng 83-82 kalamangan, may 1.14 minuto ang nalalabi.
Subalit, ito ang huling kalamangan na natikman ng Las Piñas-based school nang magsanib-puwersa sina Haruna, Gutang at Naboa upang maitakas ang panalo.
Ininda ng Altas ang pagkawala ni starting guard Edgar Charcos na may knee injury.
Samantala, inialay nina Bong Quinto at Larry Muyang ang kanilang laro sa may sakit na teammate na si Jerrick Balanza nang bombahin ng Letran ang Arellano University, 99-82, upang manatili sa No. 3 spot.
Kinapos lamang si Quinto ng dalawang rebounds para maitala ang ikatlong sunod na triple-double na may 26 points, 12 assists at 8 boards, habang naitala ni Muyang ang kanyang NCAA-best 23 points sa pagtulong sa Knights, na isinulat ang No. 7 ni Balanza sa masking tape sa kaliwang balikat ng kanilang jersey, sa pagkuha ng kanilang ika-7 panalo laban sa tatlong talo.
At ginawa nila ito para kay Balanza, na na-diagnose na may brain tumor at mawawala sa kabuuan ng season.
Nalasap naman ng Chiefs ang ika-6 na kabiguan sa 10 laro.
Iskor:
Unang laro:
CSB (91) – Haruna 19, Pasturan 17, Naboa 14, Gutang 13, Nayve 7, Young 7, Leutcheu 5, Belgica 4, Carlos 3, Velasco 2, Pagulayan 0
UPHSD (87) – Eze 36, Razon 18, Peralta 8, Aurin 7, Cuevas 7, Coronel 6, Tamayo 3, Mangalino 2, Pasia 0
QS: 17-20; 49-43; 68-62; 91-87
Ikalawang laro:
Letran (99) – Quinto 26, Muyang 23, Calvo 20, Batiller 11, Fajarito 9, Ambohot 5, Taladua 4, Agbong 1, Celis 0, Mendreza 0 Yu 0, Pambid 0, Banez 0
AU (82) – Canete 17, Concepcion 17, Alban 12, Acloriza 12, Villoria 10, dela Cruz 8, Segura 4, Sera Josef 2, Bayla 0, Codinera 0, Ongolo Ongolo 0, Sacramento 0, Santos 0.
QS: 22-17; 44-44l; 65-58; 99-82
Comments are closed.