Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – LPU vs JRU
3 p.m. – San Beda vs Letran
MAKALIPAS ang 20 taon ay balik ang College of Saint Benilde sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament.
May anim na gamedays pa ang nalalabi sa double-round eliminations, kinumpleto ng Blazers ang semifinals cast sa 83-78 panalo kontra San Sebastian kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Ipinoste ang kanilang ika-11 panalo sa 15 laro, ang Benilde ay sumampa sa Final Four sa unang pagkakataon magmula noong 2002, ang MVP season ni Sunday Salvacion. Ang resulta ay nagbigay rin sa walang larong San Beda ng ika-16 sunod na Final Four berth.
Tumipa si Will Gozum, three-years-old pa lamang nang huling pumasok ang Blazers sa Final Four, ng double-double na 25 points at 10 rebounds na sinamahan ng 6 assists at 2 steals habang nag-ambag si Miggy Corteza ng 18 points.
“It feels great, to be honest. It’s one of the goals we had this season, especially since not a lot of people expected us to be in the Final Four,” sabi ni winning coach Charles Tiu. “It’s about time the school makes it to the Final Four. I hope we can still go farther.”
Nasa ikalawang puwesto, asam ng Blazers ang twice-to-beat advantage sa Final Four. Tangan ng Benilde ang half-a-game lead kontra third-running Lyceum of the Philippines University (11-5) sa karera para sa No. 2 ranking.
Nananatili ang defending champion Letran sa ibabaw ng standings na may 12-3 kartada.
Sa duelo ng mga sibak na, nalusutan ng Arellano University ang University of Perpetual Help System Dalta, 86-81, para iposte ang ika-7 panalo sa 16 laro.
Nahulog ang Altas sa 7-10.
Iskor:
Unang laro:
Benilde (83) — Gozum 25, Corteza 18, Carlos 14, Oczon 10, Pasturan 8, Cullar 4, Lepalam 4, Nayve 0, Marcos 0, Sumabat 0, Davis 0, Lim 0.
SSC-R (78) — Altamirano 11, Calahat 11, Villapando 10, Desoyo 10, Sumoda 7, Escobido 7, Are 5, Cosari 5, Suico 5, Una 5, Aguilar 2, Yambing 0, Shanoda 0, Concha 0.
QS: 20-21, 44-40, 63-57, 83-78
Ikalawang laro:
Arellano (86) — Menina 25, Doromal 20, Flores 10, Abastillas 7, Talampas 6, Oftana 5, Mallari 4, Sunga 4, Oliva 3, Tolentino 2, Mantua 0, Domingo 0.
Perpetual (81) — Barcuma 16, Ferreras 16, Orgo 14, Razon 9, Egan 8, Boral 6, Abis 4, Omega 4, Flores 2, Cuevas 2, Roque 0, Movida 0, Nitura 0.
QS: 22-20, 44-35, 78-53, 86-81.