BLAZERS SA KRUSYAL NA PANALO VS LAKERS

blazers vs lakers

NAGBUHOS si Damian Lillard ng  38 points at 7 assists upang pangunahan ang Portland Trail Blazers sa krusyal na 106-101 panalo laban sa bisitang Los Angeles Lakers noong Biyernes ng gabi.

Umiskor si CJ McCollum ng 21 points para sa Trail Blazers (38-29), na umakyat sa sixth place sa Western Conference, habang nahulog ang Lakers (37-30) sa seventh place. Ang top six finishers ay makakaiwas sa play-in round.

Ang panalo ay nagbigay rin sa Portland ng krusyal na tiebreaker edge nang kunin ang dalawa sa tatlo sa Los Angeles sa season series.

Nagsalansan si Anthony Davis ng 36 points, 12 rebounds at 5  assists para sa Lakers, na natalo sa ika-8 pagkakataon sa nakalipas na 10 laro.

Tumipa si Alex Caruso ng 18 points at nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 17 para sa Los Angeles.

Naglaro ang Lakers na wala sina LeBron James (ankle) at Dennis Schroder (health at safety protocols).

Nag-ambag si Norman Powell ng 19 points para sa Portland, na nanalo ng anim sa kanilang huling pitong laro. Nagtala si Jusuf Nurkic ng 10 points at 13 rebounds, at nag-dagdag si Enes Kanter ng 10 points at 10 rebounds.

JAZZ 127,

NUGGETS 120

Tumirada si Bojan Bogdanovic ng career-high 48 points, nagdagdag si Jordan Clarkson ng  21 points at 8 assists, at ginapi ng  host Utah Jazz ang Denver Nuggets, 127-120, sa Salt Lake City.

Nagposte si Rudy Gobert ng 14 points at 9  rebounds, gumawa si Georges Niang ng 13 points at kumabig si Joe Ingles ng 10 points at 9 assists para sa Utah (49-18).

Kumamada si Michael Porter Jr. ng 31 points, tumapos si Nikola Jokic na may 24 points, 13 assists at 9 rebounds, at nag-ambag sina Paul Millsap  ng 19, Austin Rivers ng 18 at Aaron Gordon ng 10 para sa Nuggets (44-23).

Sa iba pang laro, kumana si Jae Crowder ng anim na 3-pointers at tumapos na may  18 points sa 128-105 panalo ng Phoenix Suns laban sa bisitang New York Knicks.

Tumipa si Luka Doncic ng 24 points, kumalawit ng 8 rebounds at naabot ang 5,000-point plateau para sa kanyang career nang gapiin ng Dallas Mavericks ang bisitang Cleveland Cavaliers, 110-90.

Kumana si Terry Rozier ng 28 points at nag-ambag si rookie guard LaMelo Ball ng 27 points upang tulungan ang Charlotte Hornets sa 122-112 panalo kontra Orlando Magic.

Nagbuhos si Joel Embiid ng 37 points at 13 rebounds upang pangunahan ang host Philadelphia 76ers sa 109-107 panalo laban sa  short-handed New Orleans Pelicans.

Kumamada si Tyler Herro ng 27 points upang pagbidahan ang host Miami Heat sa 121-112 panalo laban sa Minnesota Timberwolves

Samantala, umiskor si DeMar DeRozan ng  25 points at naipasok ni Lonnie Walker IV ang key baskets sa decisive stretch nang payukuin ng San Antonio Spurs ang Sacra-mento Kings, 113-104.

10 thoughts on “BLAZERS SA KRUSYAL NA PANALO VS LAKERS”

  1. 468837 694941Which is some inspirational stuff. Never knew that opinions may be this varied. Thank you for all the enthusiasm to provide such valuable data here. 744221

  2. 11476 278403When I originally commented I clicked the -Notify me when new surveys are added- checkbox and from now on whenever a comment is added I purchase four emails sticking with exactly the same comment. Possibly there is by any indicates you may get rid of me from that service? Thanks! 284729

  3. 366116 37045Im often to blogging and i in actual fact respect your content material. The piece has really peaks my interest. Im going to bookmark your content and preserve checking for brand new information. 880379

  4. 969959 448024I will proper away grasp your rss as I can not in obtaining your e-mail subscription hyperlink or e-newsletter service. Do youve any? Kindly permit me realize so that I could subscribe. Thanks. 794324

  5. 654905 469787Exceptional read, I just passed this onto a friend who was performing some research on that. And he in fact bought me lunch since I discovered it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 219332

  6. 711856 224019Your talent is genuinely appreciated!! Thank you. You saved me a lot of frustration. I switched from Joomla to Drupal towards the WordPress platform and Ive fully embraced WordPress. Its so significantly easier and easier to tweak. Anyway, thanks once more. Awesome domain! 951290

Comments are closed.