NAITALA ni CJ McCollum ang 12 sa kanyang 29 points sa fourth quarter upang tulungan ang Portland Trail Blazers na burahin ang late deficit at gapiin ang Memphis Grizzlies, 126-122, sa Western Conference play-in game sa Orlando.
Ang panalo ay nagbigay sa Trail Blazers ng eighth at final Western playoff berth at umabante sa best-of-seven first-round series laban sa top-seeded Los Angeles Lakers simula sa Martes ng gabi sa ESPN Wide World of Sports Complex.
Ang pagkatalo ay tumapos sa season ng Memphis, na tangan ang eighth place sa pagsisimula ng restart subalit natalo sa anim sa walong laro bago ang kabiguan kahapon.
Kumamada si Damian Lillard ng 31 points upang pagbidahan ang Trail Blazers, na sinamantala ang mahigit sa 19 free throw opportunities upang ma-outscore ang Grizzlies, 35-18, sa foul line. Nakumpleto ni Lillard ang double-double na may game-high 10 assists.
Nagbuhos si Jusuf Nurkic ng 22 points at game-high 21 rebounds para sa Portland, habang si Carmelo Anthony ay ika-4 na Trail Blazer na may 20 o higit pang puntos, sa nakolektang 21.
Nanguna sina Ja Morant at Jonas Valanciunas para sa lMemphis. Kumana si Morant ng game-high 35 points at nagbigay ng 8 assists, habang nag-ambag si Valanciunas ng 22 points at 17 rebounds.
Umiskor si McCollum ng 8 points sa huling 3:08 kung saan naselyuhan ng Trail Blazers ang panalo.
Makaraang kumarera ang Portland sa 30-14 kalamangan sa kaagahan ng laro, nadominahan ng Grizzlies ang Trail Blazers sa malaking bahagi ng sumunod na tatlong quarters.
Umabante ang Memphis ng tatlo sa second period at anim sa third, at napanatili ang kalamangan hanggang magpasabog si McCollum ng isang 3-pointer para itabla ang talaan sa 111, may 3:08 ang nalalabi.
Sinundan ito ni Nurkic ng isang three-point play pagkalipas ng 29 segundo upang bigyan ang Trail Blazers ng kalamangan na hindi
na nila binitiwan, at tumulong si McCollum na palobohin ang bentahe sa isa pang 3-pointer at isang two-point shot.
Sa pangunguna nina Morant at Valanciunas ay lumapit ang Grizzlies sa 119-116, may 42.8 segundo pa ang nalalabi, ngunit ibinaon ni Anthony ang kanyang pinakamahalagang tira magmula nang umanib sa Portland sa in-season, isang 3-pointer na nagpadoble sa kalamangan sa anim, may 21.0 segundo na lamang sa orasan.
Nagdagdag sina Brandon Clarke at Dillon Brooks ng tig-20 points, at gumawa si Kyle Anderson mh 10 para sa Memphis, na na-outshoot ang Portland, 48.9 percent sa 45.2.
Samantala, itinanghal si Lillard bilang runaway MVP ng seeding games.
Si Phoenix coach Monty Williams, na ang Suns ay 8-0 sa season restart, ang napiling top coach ng seeding games.
Si Lillard ay unanimous winner, kung saan nakuha niya ang lahat ng 22 first-place votes para sa 110 points. Sumunod si Devin Booker na 58 points. Kasama nina Lillard at Booker sa All-Seeding Games first team sina Indiana’s T.J. Warren, Dallas superstar Luka Doncic at James Harden of Houston.
Si Lillard ay may average na NBA-high 37.6 points at 9.6 assists sa seeding games, upang pangunahan ang Portland sa 6-2 record.
Comments are closed.