BLAZERS SOSOSYO SA LIDERATO

BLAZERS

Standings

W            L

San Beda             5              0

CSB                        4              0

LPU                        5              1

Letran   5              2

SSC-R    2              3

JRU                        3              4

Perpetual            2              4

Mapua  1              5

Arellano               1              5

EAC                        1              5

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

2 p.m. – Mapua vs EAC (Men)

4 p.m. – Arellano vs CSB (Men)

TARGET ng College of Saint Benilde, sabik nang maglaro matapos ang three game postponements dahil sa masamang panahon, na makasalo sa liderato sa pakikipagtipan sa Arellano University sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Gigil nang sumalang si BJustin Gutang, na noong isang linggo pa sana naglaro makaraang makarekober mula sa knee injury, para sa Bla­zers na sisikaping maipagpatuloy ang pinakamagandang simula sa kasaysayan ng eskuwelahan sa 4 p.m. duel sa Chiefs.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay tatangkain ng Mapua na maitala ang kanilang unang back-to-back wins sa season sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College.

Nakansela ang mga laro ng St. Benilde kontra San Beda, Letran at Jose Rizal

University dahil sa masamang panahon. Sisimulan ang make-up games sa Agosto 23 para tapusin ang kanilang first round campaign.

Sa pangunguna ni Gutang, ang leading scorer  ng koponan na may average na 12.7 points per game, determinado ang Blazers na samahan ang Red Lions sa ibabaw ng standings sa 5-0.

Pinapaboran ang St. Benilde laban sa Arellano, na natalo ng dalawang sunod upang manatili sa ilalim ng stan­dings.

Galing ang Chiefs sa 64-73 pagkatalo sa Cardinals noong Sabado.

Nagpapasalamat si Mapua coach Randy Alcantara at naitala niya ang kanyang unang collegiate win laban sa Arellano na pumutol sa kanilang five-game slide.

“Sana ay tuloy-tuloy na ito, na nakakakuha kami ng panalo. Pero hindi pa rito nagtatapos,” wika ni Alcantara, na ang karamihan sa players ay dating Red Robins na dati niyang hinawakan at nagwagi ng dalawang NCAA ­juniors championships.

Umaasa ang Cardinals na masasamantala ang mahabang losing skid ng Generals upang masundan ang breakthrough win laban sa Chiefs.

Ang EAC, kasalukuyang tabla sa Mapua at Arellano sa 1-5, ay hindi pa nakakatikim ng panalo magmula nang gulantangin ang Lyceum of the ­Philippines University noong nakaraang ­Hulyo 12.

Comments are closed.