BOI-APPROVED INVESTMENTS BUMABA

BOI-1

INAPRUBAHAN ng Board of Investments (BOI) ang P101.72 billion na panukalang investments sa unang dalawang buwan ng taon, mas mababa ng 23 percent sa P131.61 billion noong nakaraang taon.

Ang total approved investments ay bumaba sa kabila ng 1,456-percent growth sa approved foreign investment pledges para sa naturang panahon.

Gayundin, iniulat ng BOI na ang approved foreign investments para sa naturang panahon ay pumalo sa P10.926 billion, kumpara sa P702.28 million na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, ang total investments— pinagsamang approved foreign at domestic investments— ay umabot lamang sa P101.72 billion, mas mababa sa  P131.61 billion na naitala year-on-year.

“We have key projects in the pipeline, particular in area of power, that are still undergoing BOI’s rigorous evaluation process on technical and financial aspects; and equally important, on their compliance with requirements for BOI registration,” wika ni Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo.

“Given the projected investment costs, we are very optimistic of a renewed surge in total approvals in the next months,” aniya.

Ayon sa BOI, ang top performing sectors sa unang dalawang buwan ng taon ay kinabibila­ngan ng power projects (P49.42 billion), information and communication (P33.14 billion), manufacturing (P12.93 billion), real estate (P2.15 billion); at human health/hospitals (P1.82 billion).

Ang Regions IV-A  ang nanguna sa listahan ng investment destinations na may total approvals na nagkakaha­laga ng P60.934 billion, sumusunod ang Region VII na may P2.008 billion, Region VIII na may  P970 million, Region III na may 836.62 million, at Region VI na may P824.82 million.

Ang top five regions ay nakalikom ng kabuuang P65.57 billion na halaga ng  approved investments o 65 percent share sa total, habang ang P36.15 billion o 35 percent share ay nagmula sa iba pa sa rehiyon.

“We remain optimistic of meeting the P1 trillion target set by our Chairman, DTI Secretary Ramon Lopez, for BOI this year. It is a timing issue as we cannot and we do not rush project approvals. The BOI makes sure that every peso of approved investments is qualified and is deserving to be registered,” ani Rodolfo.