BOLTS RUMESBAK SA TROPA GIGA

Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – San Miguel vs Ginebra
5:45 p.m. – TNT vs Meralco

SINANDIGAN ni KJ McDaniels ang Meralco sa semifinals-tying 124-117 overtime win laban sa TNT PBA Governors’ Cup kagabi sa Ynares Center.

Nagpasabog si McDaniels ng season-high 39 points, kumalawit ng 20 rebounds, nagtala ng 3 blocks, at gumawa ng 3 steals at nakaganti ang Bolts makaraang tambakan ng 30 points sa Game 1 upang itabla ang best-of-five series sa 1-1.

Bagaman binitbit ni McDaniels ang Bolts sa regulation, sumandal ang Meralco sa kanilang locals, partikular kina Cliff Hodge at Aaron Black, sa extra period upang ipalasap sa Tropang Giga ang kanilang unang kabiguan matapos ang 10 sunod na talo.

Tumama ang ulo ni Hodge sa sahig kasunod ng bad fall sa huling bahagi ng fourth quarter, subalit nanalasa siya sa overtime sa pagkamada ng apat na sunod na puntos para sa 116-114 lead.

Trumangko si Black, gumawa ng personal 6-0 run upang bigyan ang kanyang koponan ng 122-114 bentahe, may dalawang minuto ang nalalabi na nagbigay-daan sa panalo ng Bolts kung saan tumapos siya na may 28 points, 10 assists, at 5 rebounds.

Nagdagdag si Hodge ng 15 points, 9 rebounds, at 2 steals.

Tumapos si TNT import Rondae Hollis-Jefferson na may 27 points, 15 rebounds, 9 assists, at 2 blocks.

Nasayang ang pagkakataon ni Hollis-Jefferson na ibigay ang panalo sa Tropang Giga sa regulation makaraang ma-split niya ang kanyang free throws, may anim na segundo ang nalalabi sa extra period.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Meralco (124) – McDaniels 39, Black 28, Hodge 15, Maliksi 11, Quinto 11, Banchero 7, Newsome 5, Caram 3, Jose 3, Almazan 2.
TNT (117) – M.Williams 29, Hollis-Jefferson 27,Castro 17, Oftana 13, Pogoy 12, Chua 11, Erram 6, Marcelo 2, Khobuntin 0, Varilla 0, Montalbo 0.
QS: 35-30, 59-49, 86-86, 112-112, 124-117.