BONGBONG NANAWAGAN NG BOOSTER SHOTS PARA SA MGA TSUPER 

BONGBONG MARCOS-5

Suportado ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pagbibigay ng mga booster shots sa mga tsuper sa harap ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Sinabi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer na mas maraming tsuper at operators ng mga public utility vehicle (PUV) ang kakailanganin upang maserbisyuhan ang mga tao na umaasa sa pampublikong transportasyon.

Dagdag pa ni Marcos na mas kakailanganin ng nga PUV workers ang proteksiyon na ibibigay ng mga booster shots dahil mas lantad sila sa pagkakaroon ng coronavirus.

“Drivers and PUV operators are essential workers who are exposed to the risks of COVID-19.  They provide a service that is crucial to our economic recovery.  It is only fitting that we provide them the added protection that booster shots can provide,” sabi ni Marcos.

Kamakailan ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF)  na maitaas sa 70 porsiyento ang public transport capacity sa bansa simula nitong November 4.

Hinikayat rin ni Marcos ang  Department of Transportation (DoTr) na makipagtulungan sa mga transport groups upang masiguro na mas maraming tsuper at mga operator ang mabakunahan laban sa COVID-19.

“The government can work with our friends from the transport sector to ensure that 100% vaccination rate among our PUV workers is achieved.  Once this has been done, we can now safely increase the public transport capacity to 100%.  The important thing is that we help the transport sector recover rapidly from this pandemic,” ayon pa kay Marcos.

Ang mga nagtatrabaho sa sektor ng pampublikong transportasyon an isa sa mga pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 pandemic dahil marami sa mga ruta na tradisyunal na dinaraanan ng mga ito ay sinara kasunod ng mga lockdowns sa kasagsagan ng coronavirus outbreak.