SUPORTADO ng kampo ni Senadora Cynthia Villar at ng kanilang kompanyang Vista Land ang Boracay rehabilitation na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila ng epekto ng pansamantalang pagsasara ng Boracay sa kanilang negosyo at dini-develop na lugar sa isla na matagal nang inihinto.
“I would like to reiterate and stress that all developments in our Boracay investment have long stopped,” wika ni Villar.
Binigyang-diin pa ng senadora na bilang chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources ay nakatuon siya sa pagprotekta at pagpreserba sa likas na yaman gaya ng pagsasaayos sa Boracay.
Ayon kay Atty. Ma. Nalen Rosero, chief legal counsel ng kompanya, noong Pebrero pa sila naghinay-hinay sa aktibidad at maging sa pagkuha ng mga tauhan.
Nanindigan din siyang sumunod ang kanilang tanggapan sa lahat ng requirements nang gawin ang development.
Inalmahan pa ng developer ang mga kumalat na larawan sa internet dahil hindi umano ito ang kanilang proyekto at ang kanilang hawak ay dati nang na-develop na resort at may mga pasilidad nang nakala-gay. VICKY CERVALES
Comments are closed.