MAGIGING loaded ang session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong araw, tampok ang archery, boxing at Universities, Colleges, Schools Athletic Association (UCSAA) sa Amelie Hotel-Manila.
Tatalakayin nina veteran coach Clint Sayo at archers Paul at Rachelle Dela Cruz, kasama si Andrea Robles ang tsansa ng Philippine archery team sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games, gayundin ang test event sa susunod na buwan, ang third leg ng Asia Cup leg 3 na gaganapin sa Tarlac.
Makakasama nila sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang mga protagonist sa International Boxing Organization (IBO) flyweight title bout sa pagitan nina Carlo Penalosa at Maximino Flores ng Mexico ngayong weekend.
Ang mga boxer ay sasamahan ni two-time world champion Gerry Penalosa, gayundin ng finalists sa Ultimate Boxing Series, na kinabibilangan nina April Jay Abne, Ronel Sumalpong, Lienard Sarcon, at Aljum Pelesio.
Magiging panauhin din ang mga opisyal ng UCSAA sa 10:00 a.m. public sports program, sa pangunguna ni president Dr. Nestor V. Dela Cruz ng Saint Dominic Savio College.
Sisimulan ng liga ang ika-9 na season nito sa Agosto 30 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Hinihinakayat ang mga PSA member na dumalo sa weekly forum.
Comments are closed.