NAG-VIRAL sa social media ang ipinakitang basketball moves ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang late-night talk show na “Tonight With Boy Abunda.”
Nagpakitang-gilas si Kuya Boy ng kanyang basketball moves during his interview with Grae Fernandez sa episode ng “Tonight With Boy Abunda” last Thursday.
Sa bagong pakulo ng talkshow ni Kuya Boy may binigay siyang ‘abundant gift’ kay Grae na naglalaman ng isang bola na pang-basketball.
Favorite sports kasi ni Grae ang basketball and proud niyang sinabi na he’s above average as a player. Kaya nagpaturo si Kuya kay Grae on what’s the right way to dribble the ball. Matagal na rin daw kasi niyang gustong matutong maglaro ng basketball.
Nakatutuwa ang porma at galawan ni Kuya Boy habang pinapanood siya on TV. Tamang-tama naman ang suot niyang terno na long-shirt and shorts with matching rubber shoes. Thanks to his stylist na si Demi na laging may tatak ‘Boy Abunda’ ang pinasusuot niya sa King of Talk.
Na-amaze at na-amuse ang netizens sa ginawa at pinakitang porma ni Kuya Boy sa pagdri-dribble ng bola kaya naman nakalikha agad sila ng mga meme na mabilis namang nag-viral sa social media.
Sa isang Facebook page ay ikinumpara si Kuya Boy sa basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar. Tinawag naman nila si Kuya Boy as ‘Kareem Abunda-bbar.’
After Dr. J ng NBA na si Julius Erving, tinawag naman nila si Kuya Boy as Dr. E. na ang complete name ay Eugenio Romerica Abunda Jr.
Anyway, habang pinapanood namin si Grae sa TWBA, pilit naming hinahanap ang anumang resemblance niya sa kanyang daddy na si Mark Anthony Fernandez or kahit sa kanyang lolo na si Rudy Fernandez.
Understandable naman kung ‘di siya masyadong hawig kay Rudy dahil third generation na siya pero kahit kay Mark ay ‘di niya yata nakuha ang ‘baby face’ look ng ama.
Pero kapag pinakinggang mabuti ang boses ni Grae, aba’y 100% naman kaboses na kaboses niya ang kanyang daddy Mark.
Kung buhay lang ang yumaong manager ni Mark at mga kasamahan sa Gwapings noon na sina Jomari Yllana at Eric Fructouso, malamang bubuo ulit siya ng grupo ng mga Anak ng Gwapings.
Parehong nasa showbiz na ang anak ni Mark at Jomari na si Andrei. Habang sinubukan naman ng anak ni Eric na si Frederick Fructouso na sumali sa Starstruck noong 2015.
COCO MARTIN TULOY ANG SUPORTANG PINANSIYAL KAY JULIO DIAZ
PATULOY pa rin pala ang suportang pinansiyal ni Coco Martin para sa medical need ng aktor na si Julio Diaz. Si Julio ay kasama dati sa serye ni Coco at kasalukuyang nakapiit sa kaso ng droga.
Puwedeng mag-piyansa si Julio para makalaya pansamantala pero kapos siya sa pambayad. Gusto man siyang tulungan ng mga kasamahan sa industriya pero nanaig ang pagtitiis na ‘wag siyang tulungan para magsisi at maturuan ng leksyon.
Habang nasa piitan ay nagkaroon ng sakit sa balat si Julio na karaniwang nakukuha sa mga kasama niya sa kulungan. Nagpadala raw si Coco ng tulong na pinansyal pang-medikal kay Julio. Pero ‘di ang halagang kailangan na pang-piyansa.
After eight months, may nakita naman daw pagbabago kay Julio. Naging malapit daw si Julio sa Diyos sa pagbabasa niya ng Bibliya. At may mga pagkakataon na nagpri-preach pa raw ang aktor sa ibang inmates.
Hopeful naman daw si Julio na mabubuo muli ang kanyang pamilya pagkatapos siyang dalawin ng kanyang ex-wife na si Maricel na dating flight attendant at anak ng veteran actress na si Marita Zobel. Kasamang dumalaw ni Maricel ang anak nila ni Julio na si Kari.
Comments are closed.