MAHIGIT sa 15,000 ang bakanteng trabaho para sa call center agents at customer service assistants, ayon sa Bureau of Local Employment (BLE) ng the Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa datos ng BLE, mula Sept, 4 hanggang 8, ang top available jobs ay nasa business processing outsourcing (BPO) at customer service assistants.
May kabuuang 8,077 vacancies para sa call center agents; 7,691 posisyon para sa customer service assistants at 3,700 job vacancies para sa executive assistants na nakahistro sa bureau.
Sinabi pa ng BLE na in demand din ang production workers na may 3,282 vacancies.
Kabilang din sa top five job vacancies ang production machine operators na may 1,905 posisyon.
Ayon sa BLE, ang datos ay base sa Public Employment Service Office-Employment Information System at mula sa PhilJobNet, isang government-run job matching portal.
(PNA)