BRANDED NA TINAPAY ‘DI SAKOP NG SRP – DTI

Secretary Ramon Lopez

NILINAW kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na hindi sakop ng suggested retail price (SRP) ang mga  branded na tinapay kaya maaaring magpatupad ng price hike ang mga manufacturer nito.

Ginawa ni Lopez ang pahayag bunsod ng rek­lamo ng ilang consumers laban sa nakatakdang pagsirit ng presyo ng mga branded na tinapay.

Aniya, ang pagtaas ng presyo ng mga branded na tinapay ay talagang naka­iskedyul na makaraang hindi ito matuloy noong mga nakaraang buwan.

“‘Yung tinapay, nag-request sila ng increase. Actually ‘yung mga brand ng tinapay na ‘yon, mag-i-increase daw sila P1 to P2. Ito ‘yung mga brand na tingin namin medyo mahal. Hindi ito covered ng SRP namin. Ang talagang covered ng SRP natin ‘yung pangkaraniwang tasty—ang tatak ay Pinoy Tasty,” ani Lopez.

Paliwanag pa niya, ang mga mamahaling tinapay ay nakaprograma nang tumaas ang presyo matapos ang dalawa hang-gang tatlong buwan kasunod ng price hike sa mga sangkap na ginagamit dito tulad ng harina at asukal.

Comments are closed.