BRGY OFFICIALS PAKIKILUSIN SA WAR ON DRUGS

Camilo Pancratius Cascolan

IREREKOMENDA ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Camilo Pancratius P. Cascolan kay Interior Secretary Eduardo Ano na muling buhayin ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Sa joint conference ng PNP at Philippine Drug Enforcement

Agency (PDEA), sinabi ni Cascolan na kanilang paalalahanan ang mga barangay chairman na tumulong sa paglaban sa droga sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng BADAC.

Binigyang diin ni Cascolan, posibleng magamit muli ang salitang “Tokhang” o Toktok Hangyo sa nasabing kampanya subalit, isa itong community relations activity na naglalayong himukin ang mga kapitan na barangay na tumulong sa war on drugs ng pamahalaan.

Sinabi naman ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, sa kabuuang 42,045 barangays, mayroon 33 percent o nasa 14,171 barangays pa ang apektado ng droga.

Kaya’t aniya, kaila­ngan ang pakikipagtulungan ng barangay para matapos ang problema sa droga. EUNICE C.

Comments are closed.