NAGKASYA si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ikatlong puwesto sa 2022 Wanda Diamond League sa Lausanne, Switzerland nitong Biyernes.
Na-clear ng Pinoy Olympian ang 5.80 meters upang kunin ang bronze sa likod ni Chris Nilsen ng United States na pumangalawa na may katulad na 5.80 output ngunit naging superior dahil sa countback
Nakopo ni world no. 1 Mondo Duplantis ng Sweden ang gold makaraang ma-clear ang 6.10 meter mark para sa bagong meet record.
Tinangka ni Obiena na lundagin ang 5.90 meters ngunit nakagawa ng tatlong faults.
Ang world no. 3 na si Obiena ay galing sa first place finish sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, German, dalawang araw pa lamang nakalikipas.