(Bubuksan simula sa Okt. 25) 30 PANG PUJ, 22 UV EXPRESS ROUTES SA MM

vehicle

PINAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng mas maramlng public utility jeepneys (PUJs) at UV Express sa Metro Manila.

Sa isang statement, sinabi ng LTFRB na bubuksan nito ang 30 karagdagang PUJ routes at 22 PUV routes simula sa Linggo,  Oktubre 25, 2020.

May kabuuang 2,768 public utility vehicles (PUV) ang papayagang bumiyahe sa Metro Manila, na nananatiling nasa ilallm ng general community quarantine.

Ang pagbubukas ng mas maraming PUV routes ay alinsunod sa kautusan ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ipatupad ang OPLAN AIR o Operation Plan-Add routes/PUVs, Increase speed/capacity, Reduce travel time,  alinsunod sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang buong Gabinete na aprubahan ang rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) upang tulungang makabangon muli ang ekonomiya.

Base sa  Memorandum Circular (MC) 2020-062 at MC 2020-063 ng LTFRB, ang kabuuang bilang ng mga sasakyan na papayagang bumiyahe ay ang mga sumusunod: 22 UV Express routes – 1,064 units; PUJ routes – 1,704 units.

Ang mga karagdagang UV Express routes ay ang mga sumusunod: N25 BF Paranaque – Ayala Center; N26 Brgy. Fortune (Marikina City) – Cubao, Quezon City; N27 Deparo – SM North EDSA/C.I.T; N28 Deparo – Blumentritt; N29 Lagro – Quiapo via Sauyo; N30 Lagro – SM North EDSA;

N31 Lagro – T.M. Kalaw; N32 Lower Bicutan – SM Makati; N33 Malabon – Ayala; N34 Novaliches – Cubao Farmers’ Market; N35 Novaliches Monumento; N36 Pasig San Joaquin – Robinson’s Galleria; N37 Southmall – Lawton; C53 Bahayang Pag-asa – Park and Ride, Lawton; C54 Camella Holmes, Springville – Ayala Avenue; C55 Camella Homes, Springville – Metropolis Mall, Alabang;

C56 Imus, Cavite – Ayala Avenue; C57 Queen’s Row, Cavite – Park and Ride, Lawton; C58 Sto. Nino, Meycauayan, Bulacan – Quezon Avenue;

C59 Tabang – Tutuban; C60 Tanay, Rizal – EDSA Shaw Boulevard; at C61 Malolos, Bulacan – Quezon Avenue.

Samantala, ang karagdagang 30 PUJ routes ay mga sumusunod:  T172 H. Dela Costa II – SM Fairview via Quirino Highway;  T173 Munoz Market – Quezon Memorial Circle via Visayas Ave., Congressional Ave.; T174 Novaliches – Camarin Extended Bagong Silang, Novaliches; T175 Novaliches – Rizal Ave. Via Banal;nT176 Novaliches – Tala; T261 Marikina – Pasig via Dela Paz; T262 SM Marikina – Pasig; T263 Pasig (TP) – Taguig (TP) via Pateros; T264 Pasig Market – Taguig via Bagong Calzada; T265 Mambugan – Marikina; T3153 Gasak – Recto via Heroes Del 96;

T3154 Gasak – Sta. Cruz via Heroes Del 96;

T3155 L. Guinto – Makati via San Andres;

T3156 Makati PUJ Loop (Start from PRC Terminal); T3157 Malinta – Recto via F. Huertas, Oroquieta; T3158 Malinta – Sta. Cruz via F. Huertas, Oroquieta; T3159 Munoz – Pantranco via Roosevelt Ave.; T3160 Munoz – Remedios via Sta. Cruz, L. Guinto; T3161 P. Faura – San Andres via M. Adriano; T3162 Pier South – Project 2&3 via E. Rodriguez; T3163 Pier South – Project 2&3 via Timog Ave.; T3164 Pier South – Project 4 via Espana; T3165 Project 2&3 – T.M. Kalaw via Timog Ave.; T3166 Punta – Quiapo (Barbosa) via Sta. Mesa; T3167 Quezon Ave. – LRT 5th Ave., Caloocan City; T3168 Recto – Retiro via F. Huertas, Oroquieta; T3169 Recto – Roxas District via Quezon Ave., Espana Ave.;mT3170 Divisoria – Gasak via H. Lopez;mT426 Queens Row Village – Talon via M. Alvarez; at T427 Molino, SM Bacoor – Alabang.

Ayon sa LTFRB, maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapa-loob sa MC.

“Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB,” sabi pa ng ahensiya.

Muli ring ipinaalala ng LTFRB na walang dagdag-pasahe na ipatutupad maliban na lang kung opisyal na inilahad at inaprubahan ng ahensiya, at ang mahigpit na pagsunod sa health tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Comments are closed.