(Bukas sa gobyerno, BPO, construction industry) LIBO-LIBONG TRABAHO

DOLE-2

NAGHIHINTAY ang libo-libong trabaho sa gobyerno, business process outsourcing (BPO) at construction industry.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), may 600 customer service agents ang hinahanap ng isang BPO sa Maynila, at 600 din sa Quezon City.

Nasa 2,000 production operators naman ang kailangan ng isang malaking contractor sa bansa.

May 1,739  bakanteng trabaho rin ang maaaring  aplayan sa Public Employment Service na may tanggapan sa bawat LGU.

Aabot naman sa 5,000 ang puwedeng aplayan online sa trabaho, negosyo, at kabuhayan webpage na nasa website ng Bureau of Local Employment.

Samantala, sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na target nilang mabigyan ng training ang mga jobseeker.

Maaari aniyang magparehistro sa Jobstart program ng DOLE na nagbibigay ng life skills at technical training. Mayroon ding internship at suweldo.

“Mayroon pa rin po silang allowance, puwede nilang magamit ‘yon during the technical training, and for the internship naman 75 percent of the prevailing minimum wage in the region ang ibinibigay po natin.”

Comments are closed.