BUNTIS NA NEGOSYANTE INAMBUS

buntis

ISABELA – ISANG babaeng negosyante na 7 buwang buntis ang pinagbabaril ng riding in tandem na siyang ikinamatay nito kabilang ang kanyang sanggol.

Lulan ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang live-in partner ang biktima alas-2:20 ng hapon nang barilin sa Barangay Flores, Naguilian, ng nabanggit na lalawigan.

Kinilala ni P/Capt. Gary Macadangdang hepe ng Naguilian Police Station ang biktima na si Marissa Tagain, 42, negosyong pagpapautang at residente ng Cabaruan, Cauayan City, Isabela, pitong buwang buntis na nasawi on the spot, matapos barilin sa ulo ng dalawang salarin lulan ng motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungo umano ang biktima sa Barangay Flores, lulan ng motorsiklo upang maningil ng pautang kasama ang kanyang live-in partner na si Santos Domingo, 43, magsasaka at residente ng Disimuray, Cauayan City.

Habang tinatahak ng dalawang mag live-in partner ang Barangay road sa Brgy. Flores lulan ng motor nang sabayan sila ng dalawang salarin at kaagad na pinaputukan. Tinamaan sa ulo si ginang Tagain na ikinasawi nito at ikinasawi rin ng kanyang anak sa sinapupunan at himala namang hindi tinamaan ang nagmamaneho ng motor na si Domingo at nakaligtas matapos na makatakbo nang matumba ang minamanehong motorsiklo.

Pautang ang tinitingnan angulo ng PNP Naguilian matapos na lumabas sa kanilang imbestigasyon na marami umanong pautang ang mag-live-in partner at napag-alaman parin nila nila na nagkaroon sila ng surilanin sa kanilang singilin sa mga pautang. IRENE GONZALES