NORTH COTABATO– PATAY ang isang ginang na 7-buwang buntis habang dalawang iba pa ang nasugatan sa insidente nang pananaga sa Mlang.
Kinilala ni Lieutenant Colonel Geovanni Ladeo, hepe ng Mlang Police, ang nasawi na si Marilou Gulmayo, 35- anyos.
Sugatan naman ang apat na taong gulang na anak nito at isa pang kaanak na si Eliterio Pastolero, 59-anyos.
Ayon kay Ladeo, nag-ugat ang pananaga nang magtalo sina Marilou at asawa nitong si Elmer Gulmayo sa kanilang bahay sa Barangay Pulang Lupa.
Lasing umano ang suspek nang pagtatagain nito ang buntis na asawa sa hindi pa batid na dahilan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mister at inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanya. VERLIN RUIZ
Comments are closed.