Laro sa Sabado:
(Mall of Asia Arena)
3:30 p.m. – AdU vs UP (Men Final Four)
NAHAHARAP sa kanyang posibleng huling collegiate game, naisalpak ni Arvin Tolentino ang isang three-pointer sa huling 3.1 segundo nang maitakas ng Tamaraws ang 71-70 panalo laban sa Green Archers upang kunin ang kanilang ika-6 na sunod na Final Four appearance sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Naipasok ni Tolentino ang game-winner mula sa pasa ni Jasper Parker, na nagbigay sa FEU ng pinakamaliit na kalamangan.
Tinangka ng La Salle na agawin ang panalo sa final possession nito sa pamamagitan ng well-executed inbound play ni Encho Serrano, subalit nagmintis si Santi Santillan, na pilit na tinakasan sina Barkley Eboña at Richard Escoto, sa undergoal stab habang papaubos ang oras.
Makakasagupa ng FEU ang defending champion at twice-to-beat Ateneo sa Linggo, alas-3:30 ng hapon, sa Big Dome. Na-split ng Tamaraws at Blue Eagles ang kanilang dalawang paghaharap ngayong season.
“Right now, well ang nararamdaman ko lang is I’m so elated with this victory,” wika ni FEU coach Olsen Racela. “I have to give it to the boys, they never gave up. Not just in the last quarter, in the last minute, but throughout the season. It was an up and down season for us. We had that four-game losing streak but they never gave up.”
Tinapos ng Archers ang season na may tatlong sunod na talo at hindi makapaglalaro sa semifinals sa unang pagkakataon mag-mula noong 2015.
Sa women’s division, kumana si soon-to-be named MVP Grace Irebu ng Congo ng 29 points nang muling madominahan ng University of Santo Tomas ang La Salle, 79-67, upang kunin ang nalalabing Final Four berth.
Tumipa si Clare Castro ng 25 points at 16 boards at nakopo ng FEU ang twice-to-beat bonus sa step-ladder semifinals sa pamamagitan ng 67-63 pagdispatsa sa Adamson.
Iskor:
FEU (71) – Tolentino 15, Eboña 12, Tuffin 11, Escoto 10, Comboy 8, Parker 7, Iñigo 5, Cani 2, Orizu 1, Stockton 0, Gonzales 0, Bienes 0.
DLSU (70) – Santillan 20, Melecio 9, Caracut 9, Montalbo 7, Baltazar 6, Manuel 5, Samuel 4, Dyke 3, Go 3, Bates 2, Serrano 2.
QS: 22-21, 36-38, 54-51, 71-70
Comments are closed.