CAMARINES NORTE NANANATILING COVID-19 FREE

Edgar Tallado

IBINIDA ni Camarines Norte Governor Edgar Tallado na nananatiling ligtas sa coronavirus disease (COVID-19) ang kaniyang nasasakupang probinsiya.

Sa panayam sa gobernador, sinabi nitong inagapan niya na makapasok sa lalawigan ang naturang sakit.

Makaraang ianunsyo aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 12 ang community quarantine sa Metro Manila ay awtomatiko niyang ipinag-utos ang maghigpit sa mga lagusan at pantalan.

Kaniya ring ipinatupad ang no face mask, no entry gayundin ang thermal scanner.

Dinagdagan aniya niya ang paghihigpit nang isailalim  ng Pangulo sa enhanced community quarantine ang buong Luzon noong Marso 16.

Samantala, patapos na rin aniya ngayong linggio ang kanilang pamamahagi ng cash aid sa anyo ng Social Amelioration Program.

Tatalima rin aniya sila sa kautusan ng Pangulo na gugulin ang kanilang budget sa pangangailangan para pigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa kanila gaya ng pagbili ng face masks at alcohol kahit walang kaso ng naturang sakit sa kanila. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.