CASH REMITTANCES PUMALO SA $2.4-B

CASH REMITTANCES-3

UMABOT ang cash remittances mula sa overseas Filipinos sa $2.4 billion noong  November 2019, mas mataas ng 2 percent year on year, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon, ang cash remittances, o yaong mga pinadaan sa mga bangko, ay may kabuuang $27.2 billion, mas mataas ng 4.4 percent kumpara sa kahalintulad na panahon noong 2018.

Lumago rin ang personal remittances, kabilang ang in kind at house-to-house transfers, ng 4.1 percent sa $30.3 billion sa January-November period.

“The steady growth in personal remittances during the first 11 months of 2019 drew support from the remittance inflows from land-based OF workers with work contracts of one year or more,” ayon sa central bank.

“Likewise, the combined remittances of sea-based and land-based workers with short-term contracts rose,” dagdag pa nito.

Ganito rin sa cash remittances, na ang paglago ay inudyukan ng OF workers na may short-term contracts.

Ang US pa rin ang pinakamalaking pinagmumulan ng remittances na nasa  37.7 percent ng kabuuan. Sumusunod ang Saudi Arabia, Singapore, Japan, UAE, UK, Canada, Hong Kong, Germany, at Qatar.

Ang Filipinas ay isa sa pinakamalaking recipients ng remittances mula sa expatriates nito. PILIPINO Mirror Reportorial Team