CATRIONA GRAY AT BOYFRIEND MATAGAL NANG HIWALAY

catriona and clint

HINDI matigil-tigil ang espekulasyon na matagal nang hiwalay ang 2018 Ms. The pointUniverse na si Catriona Gray at ang boyfriend niyang si Clint Bondad.

Katunayan, nang minsang mag-guest sa isang show, clueless daw ang  model turned actor sa na­ging homecoming ng beauty queen.

Wala rin daw mai-share ito kung kelan sila huling nag-usap ni Catriona.

Ayon naman sa  ilang nakakaalam sa kanilang relasyon,  matagal na raw break ang dalawa. Ilan namang kibitzers ang nagsasabing nagagamit lang si  Cat  ni Clint para magkaroon ng pangalan.

In fairness naman kay Clint, girlfriend na niya si Cat bago pa ito nanalong Ms. Universe 2018.

Si Clint ay isa na ring Kapuso dahil kasama siya sa GMA7 teleseryeng “Love You Too” na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

KARLA ESTRADA UMAMIN NA SA RELASYON SA BOYFRIEND

HINDI vocal ang “Pamilya Blondina” star na si Karla Estrada na pag-usa­pan ang KARLA ESTRADAkanyang lovelife pero dahil may sarili nang pamilya si Rommel Padilla na ama ni Daniel at ng kanilang mga anak at tanggap naman ito ng kanyang mga anak, umamin na rin siya na may karelasyon.

Long distance nga lang daw ito at boto naman ang kanyang mga anak sa kanyang boyfriend.

Isang businessman daw ito at naka-based sa Colorado, California sa negosyo nito.

Hindi rin big deal para sa kanya ang kanilang long- distance relationship dahil mas mahalaga raw na nagkakaintindihan sila.

Mas maingat na rin daw siya ngayon pagdating sa usapin ng puso.

“Ngayon medyo aabutin muna ng tatlong taon bago bumalik. Kasi roon may bagong negosyong tinayo,” aniya. “Bago ‘to sa akin. Kaya sabi ko, walang masyadong expectations, hindi ko nilalaliman ang pagmamahalan, ang layo e,” dugtong niya.

Hirit pa niya, hanggang doon lang daw ang kaya niyang i-share dahil hindi naman daw siya mahilig magkuwento ng tungkol sa kanyang lovelife.

SHAIRA DIAZ IIWAN NA ANG PATWEETUMS

NAGING alumnus ng Artista Academy si Shaira Diaz (dating Shaira Mae) noong SHAIRA DIAZnasa  TV5 pa siya.

Identified siya sa mga patweetums role sa Wattpad series.

Ngayong Kapuso na siya, gusto niyang pangatawanan na handa na siyang grumadweyt sa mga teeny bopper role.

Kaya naman, maraming netizen ang nagulantang sa pagbabago niya ng imahe nang mag-post siya sa kanyang social media account ng kanyang stunning beach photos kamakailan.

Lumabas din ang kaseksihan ni Shaira at maraming nagsasabing may ibubuga naman siya pagda­ting sa pagpapaseksi.

Hirit pa ni Shaira, inspirasyon niya raw si Bea Alonzo kaya napilitan siyang mag-post ng nasabing sexy photos.

Si Shaira ay kasama sa cast ng “Promdi” na kalahok sa 4th Singkuwento International Film Festival.

Huling napanood si Shaira sa “TROPS” at “Pamilya Roces”. Kasama rin siya sa cast ng upcoming GMA7 teleserye na “Love You Too”.

Comments are closed.