PURING-PURI ng mga nakasabay na Pinoy passenger si 2018 Miss Universe Catriona Gray noong dumating ito sa sa JFK International Airport sa New York City.
Habang naghihintay raw kasi ng bagahe si Catriona ay very accommodating ito sa mga gustong magkipag-selfie sa kanya. Lagi pa raw itong nakangiti at hindi makikitaan ng pagod sa mahabang biyahe mula sa Filipinas.
Sa tuwing sumasagot daw ito sa mga nagtatanong sa kanya ay lagi raw itong may “po” at “opo.” Kaya nasabi ng isang female passenger na “sobrang magalang” ang ating bagong Miss Universe.
Hindi pa roon natapos ang pagiging magiliw ni Catriona sa lahat ng gustong makita at masilayan siya dahil nang pumasok na raw ito sa sinasa-kyang van kasama ang dalawang escorts para dalhin sa kanyang titirhang apartment sa New York City ay nag-request si Catriona sa kanyang security officer na kung puwede ay buksan ang pintuan ng van para makapag-goodbye siya sa kanyang mga fan na matagal nang naghintay sa kanyang pagdating sa NYC.
Pinagbigyan naman daw ang request ni Catriona at nang buksan ang pintuan ng van ay kinawayan nito ang fans at saka sinabi na, “Thank you! Please be careful.”
Samantala, sa Instagram ni Catriona, hindi pa rin siya makapaniwala na maninirahan siya sa Big Apple pero, “I`m most nervous about experiencing the chill of NYC winter but would love to know, what are your recommendation to see, do and eat. Let me know in your comments below.”
Isang taong maninirahan si Cartriona sa NYC kaya isang taon ding hindi sila magkikita ng kanyang model/boyfriend at admirers na madalas daw magpadala ng regalo sa kanya.
ANNE CURTIS TUMATABA NA SIGN NG ISANG NAGBUBUNTIS
MARAMI ang nagtatanong kung buntis na raw ba ngayon si Anne Curtis matapos i-post ng sister-in-law niya na si Solenn Heussaff ang larawan nilang tatlo nina Erwan Heussaff (Anne’s husband).
Sa naturang larawan kasi ay makikita na nakahawak sa tiyan ni Anne si Erwan na usually ay ginagawa ng mga husband kapag buntis ang kanilang asawa.
Ang caption pa nilagay ni Solenn ay, “a good start” kaya lalong nakadagdag pa ito na baka nga the family is expecting a baby soon.
At lalo pang nagpatingkad ng balitang buntis na nga si Anne ay medyo tumaba nga ang sexy mestisang actress/TV host. Pero may nagsabi naman na baka lang masarap magluto si Erwan kaya tumataba ang actress.
ALDEN RICHARDS AT MAYOR BISTEK BUKOD TANGI NA ‘DI NAKALILIMOT SA ENTERTAINMENT PRESS
BUKOD kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ay nariyan din si Alden Richards na hindi nakakalimutang pasalamatan taon-taon ang mga entertainment press.
Bukod tangi sina Bistek at Alden lang ang tunay na nagmamahal at hindi nakakalimot magpasalamat sa press.
Nakaugalian na ni Alden na magkaroon ng Thanksgiving party sa press na ginanap nga last Sunday, (January 6) sa kanyang pag-aaring resto na Concha`s na matatagpuan sa Scout Madrinas, Tomas Morato, Quezon City.
Sa invitation ay alas-dos ng hapon ang party dahil manggagaling pa si Alden sa kanyang Sunday show na Sunday Pinasaya sa GMA 7 na nata-tapos ng 2:30 pm.
Kahit na anong puyat at pagod ni Alden ay hindi nito magagawang lumiban sa Sunday Pinasaya lalo`t ise-celebrate sa show ang kanyang post 27th birthday celebration.
Gaya ng laging nangyayari sa Thanksgiving party ni Alden para sa press ay lahat ng mga dumalong entertainment press ay umuwing masaya dahil sa mga loot bag at pa-raffle na cash.