INIUTOS ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng live cattle at meat products mula United Kingdom kasunod ng kaso ng mad cow disease sa Scotland noong Mayo.
Sa ilalim ng Memorandum Order 20 na inisyu noong May 30, 2024, sakop ng temporary ban ang pag-angkat ng live cattle, meat, meat products, bovine processed animal proteins, at cattle semen mula sa United Kingdom
Hindi pa inilalabas ng DA ang kopya ng Memorandum Order subalit sinabing ito ay dahil sa pagkaka-detect sa classical strain C-type BSE sa South Ayrshire sa Scotland noong May 10, na kinumpirma sa report ng World Organization for Animal Health-World Animal Health Information System.
“Given the potential risk to the consumers and to protect the local livestock industry which plays a significant role in the Philippines’ economy and was valued at P260 billion last year, Secretary Tiu Laurel has imposed a temporary import ban emphasizing the importance of precautionary measures to safeguard public health,” pahayag ng DA sa isang statement.
Ayon sa DA, ang Bovine Spongiform Encephalopathy, o mas kilala bilang Mad Cow Disease, ay maaaring magdulot ng fatal nerve damage sa cattle, at ang pagpasok nito at posibleng pagkalat sa Pilipinas ay maaaring makaapekto sa livestock industry at makompromiso ang food safety.
“Further, it is zoonotic in nature and causes Creutzfeldt-Jakob disease in humans manifested through brain shrinkage and deterioration,” ayon sa DA.
Gayunman, sinabi ng DA na ang lahat ng shipments mula UK na ‘in transit’ na, naikarga, o tinanggap sa mga pantalan at paliparan ay papayagang makapasok basta ang mga ito ay kinatay o naprodyus bago ang Abril 10, 2024.
“The DA will implement more stringent inspections of all arrivals of meat and meat by-products derived from cattle, including live animals and bovine processed animal proteins at the ports of entry, ensuring that only non-infected and safe commodities shall enter the country,” dagdag pa ng ahensiya.