CAVALIERS BAWAL MATALO SA HOME

CAVS_5

DOMINADO ng defending champion Golden State ang NBA Finals sa paglipat ng  series sa Cleveland, kung saan kailangang maipagpatuloy ng Cavaliers ang kanilang  home playoff magic upang mapanatiling buhay ang pag-asa para sa titulo.

Maaaring ma­kompleto ng Warriors, nagtatangka sa kanilang ikatlong korona sa apat na seasons, ang sweep sa best-of-seven showdown sa pamamagitan ng road wins sa Miyerkoles at Biyernes (Huwebes at Sabado sa Maynila) makaraang kunin ang 2-0 bentahe matapos ang 122-103 home triumph noong Linggo.

“I don’t think we’re close to our ceiling, which is good for us,” wika ni Warriors forward Draymond Green. “We can play so much better. We’re going to need that going out on the road.”

Bagama’t  nagawa ng Cavaliers ang ‘greatest comeback’ sa kasaysayan ng NBA Finals mula sa 3-1 pagkakalugmok upang gapiin ang Golden State noong 2016, wala pang koponan ang nakaahon sa 3-0 pagkakabaon upang manalo ng titulo.

“We have to make sure that we really bring it in game three because that’s really the game right there,” pahayag ni Cavs forward Kevin Love. “This is a team you don’t want to be down 0-3 against.”

Ang Cavaliers ay 8-1 sa home sa playoffs ngayong taon kung saan natalo lamang ito sa kanilang first-round opener laban sa Indiana.

“We feed off our crowd. We really get up to play at home. We know that come Wednesday we’re going to have to be better,” ani Love.  “Just being in front of our crowd will be huge for us.”

Subalit ang Cavaliers, nakaharap ang Golden State sa finals sa ikaapat na sunod na taon, ay 4-4 lamang kontra Warriors sa home sa lahat ng finals.

“We have to do a better job at home,” sabi ni Cavs guard J.R. Smith.

“We can’t keep taking positives from losses. We’re doing some good things, but it’s not translating into Ws so we’ve got to figure it out.”

Comments are closed.