QUEZON CITY – PINAALALAHANAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)- Mactan ang publiko na maghanda sa maaaring maging epekto ng bagyong Kamurri o Tisoy.
Ayon sa weather specialist ng PAGASA-Mactan na si Jomer Eclarino, walang direktang epekto ang bagyo sa Cebu ngunit dahil sa lawak ng radius nito, maaaring maramdaman ang hangin at makakaranas ng pag-ulan ang Northern Cebu.
Samantala, sinimulan na rin kahapon ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang kanilang round the clock monitoring lalo na sa Northern Cebu habang papalapit na ang bagyo sa Filipinas.
Ayon kay PDRRMO Chief Neil Sanchez, makikipag-usap ito kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia upang i-convene ang tinatawag na “Pedra” o pre-disaster risk assessment, kahit walang direktang epekto ang bagyo sa lalawigan.
Nais ni Sanchez na tutukan ang disaster preparedness sa panahon ng kalamidad. PILIPINO MIRROR RE[REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.