CELESTE CORTESI INALAY SA INA ANG PANALO SA MISS U PH 2022

MGA magulang ang inspirasyon ni Celeste Cortes isa bawat koronang ipuputong sa kanyang ulo.

“As I was walking on that beautiful stage, all I was thinking was my mom and dad,” aniya. “The strength I got from them is indescribable.”

Nanalo na si Cortesi noong 2018 ng Miss Earth title at magulang din umano ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob. Sana raw ay ma-inspire sa kanyang story ang iba pa. Kahit umano malayo siya sa mga magulang na nasa Italy ngayon, lagi naman silang nagkakaroon ng komunikasyon.

“To make you proud is the greatest fulfillment of my life,” aniya.

MAXINE MEDINA MAG-AASAWA NA

Engaged to be married na si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa boyfriend na si Timmy Llana.

“Finally my forever,” ayon kay Maxine.

Nag-propose di Timmy kay Maxine habang nagbabakasyon sila sa Coron, Palawan sa isang dinner by the beach. Tatlong taon na rin naman silang magkarelasyon.

Sa ngayon, wala pang eksaktong date kung kelan sila ikakasal.

DJ DURANO NAG-SORRY KAY POKWANG

Mabuti naman at nag-apologize na pala si DJ Durano kay Pokwang matapos ang word war nila sa Facebook kamakailan.

Kasi naman, nagkapalitan talaga sila ng masasakit na salita saw ala namang kakwenta-kwentang dahilan. Sabi ni Pokwang, for a time ay naging magkaibigan sila ni DJ dahil nagkatrabaho sila kasama ang yumaong direktor na si Wenn Deramas kaya nagtataka siya sa reaksyon nito.

“Nag-sorry na siya at sincere naman siya sa paghingi ng sorry,” saad ni Pokwang. Dahil nag-sorry na si DJ, para kay Pokwang ay tapos na ang isyu.