MARAMING bashers ng bagong Miss Universe Philippines na si Celeste Cortesi ang kumukwestyon sa kanyang citizenship. Laking Italy kasi si Celeste at nagbalik bansa kang para sumabak sa beauty contest.
Luckily, napanalunan niya ang Miss Earth Philippines 2018 title at nag-top 8 pa sa Miss Earth, at ngayon nga, nakopo naman niya ang titulo ng Miss Universe Philippines.
Nakapagtatakang ngayon pa nakwesyon ang Filipino citizenship niya kaya to the rescue agad ang pageant mentor, talent manager, and Miss Universe Philippines (MUPH) creative director na si Jonas Gaffud.
Say ni Jonas, sa Pilipinas ipinanganak si Celeste at may mga documents silang hawak para patunayan iyon.
“Someone won already. And yes, @celeste_cortesi is a Filipina. She has her papers, birth certificate and passport. She was born in the Philippines. Now it is time for you to know her story. Why her family moved to Italy, and why they stayed there, and why she came back to her country. Soon,” ang saad ni Jonas.
PAGIGING HUBADERA NI JANELLE TEE AYAW NG PARENTS
ISA si Janelle Tee sa mga baguhang sexy star na pasisikatin ng Vivamax Family. Sunod-sunod ang mga pelikulang ginawa at gagawin ni Janelle sa Vivamax, kasama ang “Kinsenas Katapusan,” ‘Putahe,’ “Pusoy” at “Secrets.” Halos lahat ng mga pelikulang nabanggit ay may sizzling sexy scenes si Janelle.
Tulad ni Kylie Verzosa, si Janelle ay isang beauty queen — Miss Philippines Earth 2019 — at nagmula sa isang konserbatibong pamilya.
“Actually, the first time I was offered a sexy role, I turned it down. I felt hindi ko kaya. But then, I saw the movies of top Oscar-winning stars like Kate Winslet, Nicole Kidman and Angelina Jolie na nagpa-sexy sila, and I realized it’s just part of your craft as an actress. Kapag pinasok mo ito, dapat open-minded kang isabuhay ang characters na ibibigay sa iyo. And my folks can’t understand that I’m just playing a character,” ang say ni Janelle.
Sa ngayon umano ay hindi sila nag-uusap ng kanyang pamilya dahil ayaw nila ang kanyang ginagawa.
“They cannot accept na pinasok ko ito at hindi nila ma-understand that I am transitioning in my career now as an actress,” say ni Janelle, another beauty queen titlist turned sexy star.
MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES, MAY BAGONG BABY
BAGONG ‘baby’ ang turing ni Marian Rivera-Dantes sa bago niyang project sa Kapuso Network, ang sitcom nila ng asawang si Dingdong Dantes, ang ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa.’ Kasi, bukod sa co-producers silang mag-asawa sa naturang sitcom ay personal ding nagbibigay ng kanyang ideya si Marian sa mas ikakaganda ng kanilang sitcom.
Say nga ng nasa production team, lahat halos ng may kaugnayan sa show nina Marian and Dingdong mula sa concept, maging sa script, casting ay dumadaan sa kamay ng mag-asawa. Baby na nga nina Marian at Dingdong ang kanilang bagong sitcom dahilan sa personal na pag-aasikaso nila sa show.
“Isa ‘tong pangarap sa amin, lalo na sa akin, kasi ang tagal ko nang hindi rin lumabas sa primetime. So sabi ko kay Dong, parang hindi ako makapaniwala na totoo na ito na mangyayari na ito, tapos pangarap ko talaga magkaroon ng sitcom kasama si Dong. So, eto na ‘yung pangarap na ‘yun. Sabi ko sa mga tao na nagmamahal at matagal na naghintay, malapit n’yo nang mapanood sina Maria at Jose, bonggang-bongga ‘yan ‘pag napanood n’yo,” ang say ng GMA 7 Primetime Queen.