NAGBUHOS si Derrick White ng 24 points at nakaiwas ang host Boston Celtics sa pagkakasibak sa ikalawang sunod na laro sa 110-97 panalo kontra Miami Heat sa Game 5 ng Eastern Conference finals nitong Huwebes.
Hindi kailanman lumamang ang Heat sa laro, ngunit tangan pa rin nila ang 3-2 bentahe sa best-of-seven series sa pagtungo sa home para sa Game 6 sa Sabado.
Naipasok ni White ang 8 sa 11 shots – kabilang ang 6 of 8 mula sa 3-point range — at isinalpak ni Marcus Smart ng Boston ang 7 of 12 at 4 of 6, ayon sa pagkakasunod, upang tampukan ang kanyang 23-point performance. Gumawa rin si Smart ng 5 steals para sa second-seeded Celtics.
Nakakolekta si Jayson Tatum ng 21 points, 11 assists at 8 rebounds sa panalo, at umiskor si teammate Jaylen Brown ng 21 points habang bumuslo ng 3-for-5 mula sa 3-point range.
Bumuslo ang Celtics ng 50.6 percent mula sa floor (40 of 79) at 41 percent mula sa 3-point range (16 of 39). Ang naturang percentages ay sa harap ng pagtala ng Boston ng 51.2 percent ng kanilang tira mula sa floor at 40 percent mula sa arc sa 116-99 panalo sa Game 4 noong Martes.
Naipasok ni Duncan Robinson ng Miami ang 7 sa 10 shots upang umiskor ng 18 points mula sa bench. Nakalikom si Bam Adebayo ng 16 points at 8 rebounds, nagdagdag si Haywood Highsmith ng 15 points at tumipa sina Jimmy Butler at Caleb Martin ng tig-14 para sa eighth-seeded Heat.
Umiskor lamang si Kyle Lowry ng 5 points at nakagawa ng apat sa 16turnovers ng kanyang koponan habang naging starter kapalit ni injured Gabe Vincent (sprained left ankle).
Umiskor ang Boston ng 14 unanswered points upang kunin ang 20-5 lead. Tinampukan ni Tatum ang kanyang 12-point first quarter sa isang emphatic dunk na nagbigay sa Celtics ng 28-13 kalamangan, at tumapos si White na may 11 points sa period makaraang isalpak ang isang 3-pointer sa buzzer.
Tinapyas ng Miami ang deficit sa 53-41, may 2:59 ang nalalabi sa second quarter bago sinindihan ng Boston ang 8-0 run. Ipinasok nina White at Smart ng tig-isang 3-pointer sa nasabing surge upang tulungan ang Celtics na kunin ang 61-44 advantage sa halftime.
Hinila ng Boston ang kalamangan sa 18 points makalipas ang tatlong quarters at kinamada ang unang anim na puntos sa fourth.