NAGBUHOS si Joe Harris ng 20 points at nalusutan ng Brooklyn Nets ang masamang shooting night ni Kyrie Irving at ang late charge ng bisitang Boston Celtics upang maitakas ang 109-104 panalo noong Biyernes ng gabi sa New York.
Umangat ang Nets (40-20) ng kalahating laro sa Philadelphia 76ers para sa top seed sa Eastern Conference. Bibisitahin ng Philadelphia ang Milwaukee sa Sabado ng hapon.
Abante ang Brooklyn sa huling 33:56 at nakalusot sa kabila na na-outscore, 27-15, sa huling i10-plus minutes at na-kontrol ang laro sa 32-3 margin sa fast-break points overall.
Nagdagdag si Jeff Green ng 19 points para sa Nets, na bumuslo ng 43 percent at nalusutan ang pagmintis ni Irving sa 15 sa 19 shots. Sa kabila ng kanyang masamang shooting night, si Irving ay muntik nang magtala ng triple-double (15 points, 11 assists at 9 rebounds).
Kumabig si Bruce Brown ng 15 points, at nag-ambag si Blake Griffin ng 13 points habang kumalawit si DeAndre Jordan ng 11 rebounds para sa Brooklyn.
Nanguna si Jayson Tatum sa lahat ng scorers na may 38 points makaraang magtala ng 3 of 17 sa naunang dalawang laro.
Kumana si rookie Payton Pritchard ng anim na 3-pointers tungo sa 22 points, habang tumapos si Marcus Smart na may 19 para sa Boston na bumuslo ng 40.4 percent at nagsalpak ng 17 sa 42 mula sa long range.
Naglaro ang Nets na wala si Kevin Durant (right thigh contusion) para sa ikatlong sunod na laro.
WARRIORS 118,
NUGGETS 97
Pinangunahan ni Stephen Curry ang balanseng atake ng Golden State sa pagkamada ng game-high 32 points nang pataubin ng Warriors ang Denver Nuggets, 118-97, sa San Francisco.
Tumipa si Kelly Oubre Jr. ng 23 points at nagdagdag sina Andrew Wiggins ng 19, Jordan Poole ng 15 at Mychal Mulder ng 14 para sa Golden State (30-30) na nagwagi sa kabila ng pagsandig sa walong players lamang.
Nadepensahan nang husto ni Draymond Green, si Nuggets star Nikola Jokic ay nalimitahan sa 19 points, 6 rebounds at 6 assists.
Nawala rin sa Denver (38-21) si Will Barton sa kaagahan ng laro dahil sa serious hamstring injury.
Nag-ambag si Green ng game-high 19 assists at game-high 12 rebounds para sa Golden State, na inaasahang hindi makakasama sina Kent Bazemore at Damion Lee ng hanggang dalawang linggo dahil sa COVID violations.
Sa iba pang laro, pinalawig ng Washington Wizards ang kanilang winning streak sa pito sa pamamagitan ng 129-109 road win kontra Oklahoma City Thunder; naungusan ng Memphis Grizzlies ang Portland Trail Blazers , 130-128; namayani ang Los Angeles Clippers laban sa Houston Rockets, 109-104; dinispatsa ng Charlotte Hornets ang Cleveland Cavaliers, 108-102; at kinalawit ng Atlanta Hawks ang Miaml Heat, 118-103.
652017 220020Yours is really a prime example of informative writing. I feel my students could learn a lot from your writing style and your content. I may share this article with them. 617229