CELTICS PINALUBOG ANG PELICANS

NAGBUHOS si Jaylen Brown ng 41 points upang pangunahan ang Boston Celtics sa 125-114 panalo kontra New Orleans Pelicans nitong Miyerkoles.

Ang Eastern Conference leaders ay nagpainit para sa duelo laban sa Brooklyn na may composed performance upang daigin ang Pelicans, ang third-ranked team sa Western Conference this season.

Muling binitbit ni Brown, may average lamang na mababa sa 27 points per game ngayong season, ang Celtics, sa pagkamada ng 15-of-21 mula sa field na may 12 rebounds.

“It’s a long season, it’s a lot of basketball, day-in, day-out — you’ve just got to come in ready to do your job,” pahayag ni Brown matapos ang kanyang season-high points tally. “I was able to come out and get something going.”

Nag-ambag si Jayson Tatum ng 31 points at tumipa si Malcolm Brogdon ng 20 mula sa bench.

Nagdagdag si Al Horford ng 14 points para sa Boston, na naglaro na wala sina starters Marcus Smart at Robert Williams III.

Nagbida si C.J. McCollum para sa New Orleans na may 38 points habang kumubra si Naji Marshall ng 18 para sa Pelicans team na hindi nakasama sina injured Zion Williamson (hamstring) at Brandon Ingram (toe).

Ang Boston ay nangunguna sa Eastern Conference na may 30-12 record papasok sa laro sa Huwebes kontra second-placed Nets.

Bucks 114, Hawks 105

Nanatiling nakabuntot ang third-placed Milwaukee Bucks sa Eastern Conference leaders kasunod ng 114-105 panalo laban sa Hawks sa Atlanta.

Nanguna para sa Bucks si Jrue Holiday na may 27 points.

Nalimitahan si Bucks star Giannis Antetokounmpo sa season-low seven points subalit kumalawit ng 18 rebounds at nagbigay ng 10 assists.

Si Holiday ay isa sa limang Milwaukee players na may double figures, kung saan nagdagdag si Brook Lopez ng 20 points at umiskor sina Bobby Portis at Jevon Carter ng 13. Tumapos si Pat Connaughton na may 10 points.

Sa iba pang laro, nagbalk si Ja Morant mula sa two-game injury absence upang kumamada ng 38 points nang maiposte ng Memphis Grizzlies ang 136-129 panalo kontra San Antonio Spurs.

Samantala, dinispatsa ng Detroit Pistons ang Minnesota Timberwolves, 135-118.

Nanguna si Saddiq Bey para sa Detroit na may 31 points at pinutol ng Pistons ang three-game losing streak upang maunahan ang Charlotte Hornets sa standings.