CELTICS WINALIS ANG NETS

UMISKOR si Jayson Tatum ng 29 points bago na-foul out sa huling bahagi ng fourth quarter upang tulungan ang Boston Celtics na gapiin ang  Brooklyn Nets, 116-112, at makumpleto ang four-game sweep sa kanilang Eastern Conference first-round series Lunes ng gabi sa New York.

Makakasagupa ng second-seeded Celtics, natalo sa Nets sa limang laro sa round na ito noong nakaraang season, ang mananalo sa Milwaukee-Chicago series. Ang Bucks ay angat sa 3-1 kontra Bulls.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 22 points para sa Celtics, na bumuslo ng  47.2 percent. Nag-ambag si Marcus Smart ng 20 points at 11 assists, bumanat si Grant Williams ng apat na 3-pointers at 14 points at kumabig si Al Horford chipped ng 13.

Kumana si Kevin Durant ng 39 points para sa kanyang best game sa series ngunit sumablay sa dalawang 3-pointers sa final minute para sa Brooklyn na tinapos ang season na pinasok nito bilang NBA title favorite. Nagdagdag si Seth Curry ng23 points, tumapos si Kyrie Irving na may 20 at bumuslo ang Nets ng 50.6 percent.

RAPTORS 103,

76ERS 88

Nagbuhos si Pascal Siakam ng 23 points upang tulungan ang bisitang Toronto na makaiwas sa pagkakasibak kontra Philadelphia sa Game 5 ng kanilang Eastern Conference first-round playoff series.

Nagdagdag si Siakam ng 10 rebounds at 7 assists para sa fifth-seeded Raptors, na nanalo ng dalawang sunod makaraang matalo sa unang tatlong laro sa  best-of-seven set. Naipasok ni Precious Achiuwa ang 7 sa 11 shots upang tumapos na may 17 points para sa Raptors. Nagtala sina OG Anunoby at Gary Trent Jr. ng tig-16 points at nakakolekta si NBA Rookie of the Year Scottie Barnes ng 12 points at 8  rebounds sa panalo.

Nakalikom si Philadelphia’s Joel Embiid ng 20 points at 11 rebounds. Bago ang laro, si Embiid ay pinagmulta ng $15,000 sa pagbatikos sa  officiating kasunod ng 110-102 loss ng 76ers sa Raptors sa Game 4 noong Sabado.

MAVERICKS 102,

JAZZ 77

Kumamada si Luka Doncic ng 33 points at kumalawit ng 13 rebounds upang pangunahan ang host Dallas sa 3-2 Western Conference first-round playoff series lead kontra Utah.

May pagkakataon ang Mavericks, na lumamang ng hanggang 33 points, na tapusin ang series sa Salt Lake City sa Game 6 sa Huwebes. Nagdagdag si Jalen Brunson ng 24 points para sa Mavericks. Si Dorian Finney-Smith ang isa pang Dallas player sa  double figures na may 13 points.

Nalimitahan ng Ma­vericks ang Jazz sa 55 points lamang sa unang tatlong quarters. Umiskor si Jordan Clarkson ng 20 points at nagsalansan si Rudy Gobert ng 17 points at 11 rebounds. Gumawa lamang si Donovan Mitchell ng 9 points sa 4-of-15 shooting. Inilabas siya sa fourth quarter dahil sa left hamstring injury.