CHAMPIONS LEAGUE MEN’S TITLE NASIKWAT NG TEAM DASMA

NADOMINAHAN ng Team Dasma ang Go for Gold Air Force upang tanghaling inaugural Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League men’s champion Sabado sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Pinangunahan nina Mark Calado at Madz Gampong ang Monarchs sa 19-25, 26-24, 25-18, 25-17 panalo kontra Air Force.

Tumipa si Calado ng 18 points para sa Monarchs, na nakakuha rin ng 16 blocks at13 points mula kay Ronniel Rosales. Nagdagdag si Gampong ng 13 points, habang nagtala si Arnold Bautista ng11 points.

Ang pagtutulungan ng koponan ay nakatulong para mabasura ang 22-point explosion ni John Vic De Guzman para sa Go for Gold.

Sa panalo, ang Monarchs ay magiging kinatawan ng bansa sa Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Urmia, Iran sa May 15-22, 2022.

Nagkasya naman ang VNS Manileño Spikers sa bronze medal matapos ang 25-21, 25-22, 25-20 sweep sa Global Remit.