MAGSASALPUKAN ang Go for Gold-Air Force at Global Remit, habang magtutuos ang Team Dasmariñas at VNS Manileño Spikers sa pagsisimula ng semifinals sa Philippine National Volleyball Federation Champions League ngayong Biyernes sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.
Batid ng Pool A winners Aguilas kung ano ang puwedeng ilabas ng Global Remit—na matapos na matalo sa kanilang unang dalawang laro ay nagwagi sa pamamagitan ng straight sets kontra MRT-Negros sa huling araw ng preliminaries upang kunin ang huling semifinals berth— sa 1:30 p.m. match.
“We need to our system and our service receive because it will dictate our game,” sabi ni coach Dante Alinsunurin makaraang makumpleto ng Go for Gold ang two-match sweep sa Pool A.
“What’s important for us right from the start is we need to dominate through our service receive.”
Wala rin silang talo sa tatlong Pool B contests, subalit batid ni coach Norman Miguel na ang kanilang 4 p.m. duel sa Manileño Spikers ay magiging ibang istorya.
“Well the players know that this is the real fight. This is what we really prepared for. Our goal is to make it to the Finals and get the title,” sabi ni Miguel.
“We fully trust the players. The mindset is already there. By all means, they will go all out to get the championship just to give back the support of the LGU [Dasmariñas[,” dagdag pa niya.
Ang mga magwawagi ay maghaharap para sa gold medal sa alas-4 ng hapon sa Sabado, habang ang mga matatalo ay maglalaban para sa bronze sa alas-1:30 ng hapon.
Ang kampeon ay kakatawan sa bansa sa Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Mayo sa susunod na taon.