NAGPAHAYAG si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ng labis na pasasalamat sa buong PBA Board sa pagkakaloob nito ng suporta sa kampanya ng koponan sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh.
Personal na pinasalamatan ni Reyes ang Board of Governors nang bisitahin niya ito sa kanilang pagpupulong noong Huwebes sa PBA Office.
Pinasalamatan ng national coach ang Board at team owners sa pagpapahiram sa kanilang players para maglaro para sa national team.
Matagumpay na nabawi ng Gilas ang men’s basketball gold kasunod ng 80-69 panalo nito kontra host Cambodia sa finals.
Hindi naging madali para sa Gilas ang mabawi ang gold makaraang malasap ang 79-68 pagkatalo sa Cambodia sa preliminary.
Kinailangan din ng mga Pinoy na humabol para hubaran ng korona ang Indonesia, 84-76, sa semifinals para maisaayos ang duelo sa Cambodians para sa gold medal.
Matapos ang SEA Games, sisimulan ni Reyes at ng national team ang kanilang extensive training para sa nalalapit na FIBA World CHOT REYES Cup.
-CLYDE MARIANO