CIGNAL BALIK-HARI SA SPIKERS’ TURF

choco much

NABAWI ng Cignal ang Spikers’ Turf Open Conference crown makaraang makumpleto ang makasaysayang 15-match sweep.

Subalit kinailangan ng HD Spikers na malusutan ang pinakamalaking hamon sa torneo upang muling maging hari.

Kinailangan ng Cignal ng limang sets upang dispatsahin ang AMC-Cotabato, 25-21, 22-25, 25-17, 28-30, 15-7, sa harap ng good-sized crowd sa Rizal Memorial Coliseum noong Biyernes ng gabi.

Ito ang ika-4 na titulo ng HD Spikers sa kabuuan upang maging pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng liga.

Ang Cignal, nahigitan ang tatlong championship ng Air Force, ay naghari rin sa tatlo sa huling apat na edisyon, nabigo lamang noong nakaraang season nang dominahin nb National University ang torneo na nagbalik matapos ang three-year hiatus.

“Ito talaga ‘yung in-eye namin nitong conference na ito, na mag-champion ulit. Sobrang na-down kami pagkatalo namin last conference, pero wala namang gagawin kung hindi bumawi,” sabi ni HD Spikers coach Dexter Clamor.

Bagama’t hindi nakasama sa Elite Team ngayong conference, nakuha pa rin ni Marck Espejo ang Finals MVP.

Nagpasalamat ang 6-foot-3 spiker na si Espejo subalit ipinasa ang credit sa kanyang teammates para sa championship run ng Cignal.

“Sa Finals MVP hindi ko po in-expect kasi itong Finals po para sa akin ‘yung MVP talaga is either si EJ (Casaña) or si Wendel (Miguel) kasi sila yung missing link namin nung last time,” sabi ni Espejo.

“Pero thankful ako na ako ‘yung nag-Finals MVP and para po sa team talaga ito kasi collective effort ‘yung nangyari nung Finals and hindi ko po magagawa yun kung hindi dahil sa tulong ng bawat isa especially si Chu (Njigha) siya yungg ame changer nung third set.”

Sa series opener noong Miyerkoles, si Espejo ay nagtala ng 25 points sa 22-of-36 attacks at 3 blocks sa 25-22, 25-22, 28-26 panalo ng HD Spikers.

Sinundan niya ito ng 28-point, 34-reception masterpiece sa clincher.

Ito ang ikatlong Finals MVP crown ni Espejo, dinuplika ang kanyang tagumpay sa Reinforced and Open Conference noong 2019 nang makumpleto ng Cignal ang season sweep ng championships.