TAHASANG nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang virtual presser na kailan man ay hindi isinusuko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Arbitral Court Ruling na inilabas ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa Filipinas kaugnay sa maritime dispute na inihain laban sa China.
Ayon kay Lorenzana sa sinagawang pulong balitaan kasunod ng i change of command sa AFP, na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay igigiit pa rin nito kay Chinese President Xi Jin Ping ang Arbitral Court Ruling bagamant sinasabi ng China na hindi nila ito kinikilala.
Kaliwa’t kanan naman ang batikos sa Pangulo dahil sa pahayag nitong inutil at hindi nito kayang pigilan ang pagiging agresibo ng China sa pagsakop ng mga isla sa pinag-aagawang teritoryo.
“I believe he is not being defeatist, he is just being pragmatic and realistic, you know there are so many countries who are getting involved here in the South China Sea but they have different interest than the Philippines, their main concern is freedom of navigations, we support that because it also coincides with our ways,” paliwanag pa ni Sec. Lorenzana.
Ayon naman kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay, walang direktiba sa kanila si Pangulong Duterte na itigil ang pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa partikular sa West Philippine Sea.
“We are still you know covered with code of conduct, rules of engagement and as long as everybody there would abide by the law particularly the convention on laws of the sea and of course the one being crafted now the code of conduct of all countries there in West Philippine Sea, I guess we would address all tensions or issues peacefully, so that is also what we intend to do in the Armed Forces of the Phils,” pahayag pa ni Lt Gen. Gapay.
Tiniyak ni Gapay na magpapatuloy pa rin ang militar sa pagpatrolya sa mga teritoryo ng bansa, upang ipakita ang “sovereign rights at ang territorial integrity” ng bansa sa West Philippine Sea bagamat pabor sila sa peaceful resolution sa usapin na naaayon sa rule of law.
Inihayag din nina Lorenzana at Gapay na hindi makikiisa ang Filipinas sa anumang joint navy drills na gagawin sa West Philippine Sea o labas ng teritoryo ng Filipinas.
Ayon sa kalihim, naglabas ng direktiba ang Pangulo na iwasan ng Filipinas na makiisa sa joint military drills ng ibang bansa sa West Philippine Sea gaya ng United States na posibleng pagmulan ng tensiyon sa nasabing rehiyon.
Ito ay puwera na lamang kung sakop pa ito sa 12 mile distance mula sa mga baybayin ng bansa.
“Pres. Duterte has a standing order to us, to me that we should not involved ourselves in naval exercises in the South China Sea except our national waters,” pahayag ni Lorenzana.
Nais lamang daw ng Pangulo na hindi magkaroon ng miscalculations at maging sanhi pa ng tensiyon subalit nilinaw nilang kaisa pa rin ang Filipinas sa isinulong ng ibang bansa na freedom of navigation sa nasabing isla. VERLIN RUIZ
Comments are closed.